Balita

Lyceum, kampeon sa PCCL

-

GINAPI ng Lyceum of the Philippine­s Pirates ang San Beda Red Lions, 70-66, para makopo ang PCCL title nitong Huwebes sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Matamis ang tagumpay sa Pirates matapos mabigo sa Red Lions sa NCAA Finals kung saan naitala nila ang makasaysay­ang 14-game sweep sa eliminatio­ns.

Maagang umabante ang Red Lions sa 21-13, ngunit nakabawi ang Pirates para makuha ang bentahe sa 39-35 sa halftime.

Naging mahigpitan ang laban bago naagaw ng San Beda ang bentahe sa 57-54 mula sa 22-15 third quarter run. Subalit , naibaba ng Lyceum ang 12-1 run sa final perios para makausad sa 66-58 at hindi na lumingon para sa kauna-unahang titulo sa liga.

Hataw si Jaycee Marcelino sa naiskor na 19 puntos para tanghalian­g MVP sa liga.

Kasama naman sa Mythical Five ang kaangga niyang sina Mike Nzeusseu na may 16 marker at CJ Perez na tumipa ng walong puntos.

Nanguna sa Red Lions si Javee Mocon na may 24 puntos. Hindi nakalaro si Robert Bolick bunsod ng injury.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines