Balita

Natalie Portman, feeling lola sa social media

- Cover Media

PAKIRAMDAM

ni Natalie Portman ay para siyang lolang bano sa social media nang matutong gumamit ng Instagram kay Reese Witherspoo­n.

Sinimulan ng Black Swan actress, kilalang napakaprib­ado sa kanyang personal na buhay, ang 2018 sa paglikha ng kanyang sariling profile sa photoshari­ng site, at nagpapasal­amat kay Reese na tumulong sa kanya upang maintindih­an ang modern technology.

“Reese has been a wonderful support system in teaching me the ways of modernity,” pabirong sabi ni Natalie sa

Entertainm­ent Tonight. “There’s this thing called social media...”

Naiiwasan ng 36 anyos nang dating child star na mahumaling sa pag-check ng updates sa kanyang Instagram feed, ngunit inamin na namamangha pa rin siya sa lahat ng mga magagawa niya sa app.

“It’s a very new thing in my life,” nakangitin­g sabi niya, “and I feel like a grandmothe­r who’s learned how to use the microwave. Wow, it heats things up!”

Kamakailan ay nagkuwento si Reese tungkol sa panghihika­yat niya sa kanyang kaibigan na mag-Instagram, ibinahagi ang larawan nila habang seryosong nag- uusap sa isang event kamakailan, at binigyan ng special shoutout si Natalie.

“This is a photo of me convincing @nataliepor­tman to join @Instagram!!” caption ni Reese sa larawan nitong Enero. “Welcome her to the Insta family, y’all (sic)!”

Sa wakas ay nagdesisyo­n si Natalie na magbukaroo­n ng social media account dalawang taon matapos igiit na wala siyang interes na ibahagi ang mga detalye ng kanyang buhay sa online.

“It feels like the last thing you want to do,” sabi ng ina ng dalawang bata sa

Business Insider noong 2016. “It’s so much unwanted interest in your privacy that you don’t want to invite any more (sic).”

 ?? Nathalie ??
Nathalie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines