Balita

6 SAF SUGATAN SA NPA AMBUSH

- Ni MARY ANN SANTIAGO

Anim na miyembro ng Philippine National PoliceSpec­ial Action Force (PNP-SAF) ang nasugatan habang napaulat na nawawala ang dalawa pa nilang kasamahan matapos tambangan ng mga hinihinala­ng miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Antipolo City, Rizal kahapon ng umaga.

Nilalapata­n na ng lunas sa Antipolo District Hospital at Amang Rodriguez Medical Center sina PO2s Brendo Cariño, 32; Reymar Guevarra, 27; Mark Andrew, 27; Gran Ominez, 25; Joseph Alberca, 29; at Ryan Gonzales, 30, pawang miyembro ng 33rd Special Action Company ng 3rd Batallion, sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Iniulat namang nawawala ang dalawa nilang kasamahan na patuloy pang hinahanap ng awtoridad habang isinusulat ang balitang ito.

Ayon kay Senior Insp. Cherrylyn Agtarap, tagapagsal­ita ng Rizal Police Provincial Office ( RPPO), lulan ng SAF police mobile 01 at 02 ang SAF commandos at pabalik na sa headquarte­rs sa Canumay sa Barangay San Jose, nang biglang paulanan ng bala ng hindi pa batid na dami ng lalaki, sa bahagi ng Sitio St. Joseph sa Bgy. San Jose, sa pagitan ng 6:00 at 6:30 ng umaga.

Kaagad tumakas ang mga suspek, habang kaagad namang nagpatayo ng mga checkpoint sa paligid ng Rizal para kaagad na mahuli ang mga salarin.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines