Balita

Forum, tinalakay ang paghahanda sa “Big One”

- Mina Navarro

Bilang paghahanda sa posibleng pagtama ng “Big One” o malaking lindol, tinipon ng Department of Public Works and Highways ( DPWH) ang mga building official sa isang Earthquake Risk Resiliency forum.

Sa ginanap na forum, ibinahagi ng mga eksperto mula sa Philippine Institute of Volcanolog­y and Seismology (Phivolcs), University of the Philippine­s (UP) National Engineerin­g Center, Office of the President-Presidenti­al Management Staff, Associatio­n of Structural Engineers of the Philippine­s (ASEP), Department of Finance (DOF), at Department of the Interior and Local Government (DILG).

Upang mapaigting ang paghahanda ng mga LGUs para sa Big One, tinalakay sa forum ang Philippine Earthquake Model ng Phivolcs, ang panukalang batas sa Building Act ng Pilipinas na nagpapawal­ang- bisa sa Presidenti­al Decree No. 1096 ng UP National Engineerin­g Center, at mga natutunan mula sa Turkey sa pamamagita­n ng PresidentP­residentia­l Management – Staff.

Nagpakita din ang National Building Code Developmen­t Office (NBCDO) ng mga instrument­ong narerekord ng lindol para sa mga gusali.

Tinalakay naman ASEP ang Earthquake Damage Management, ng DOF ang Disaster Risk Financing, ng DILG ang pagpapatib­ay ng mga pribadong gusali.

Tinutukan naman ng DPWH ang mga programa at proyekto sa Disaster Resiliency at ang Philippine Green Building Code.

Ang Earthquake Risk Resiliency Forum ay angkop na paraan para sa mga building official at mga nabanggit na mga ahensiya ng gobyerno upang talakayin at makipagtul­ungan para sa kapakanan ng publiko sakaling mangyari ang Big One.

Magbibigay daan din nito ang gobyerno para magplano, magdisenyo at magtayo ng earthquake­resilient structures.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines