Balita

OFWs ipagdasal palagi

- Leslie Ann G. Aquino

Nanawagan kahapon ang pinuno ng Catholic Bishops Conference of the Philippine­s Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People sa mga mananampal­ataya na palaging ipagdasal ang kaligtasan ng overseas Filipino workers.

Ito ang hiniling ni CBCP-ECMI chairman Bishop Ruperto Santos sa pag-obserba ng National Migrants Sunday.

“Let us pray always for them that our God watch over them, keep them safe and spare them from sickness and accident,” saad sa pahayag ng obispo ng Balanga.

“In their places and travels, we pray that they may find good employers and decent jobs,” dagdag ni Santos.

Sinabi ng pinuno ng ECMI na ipinananal­angin din niya na palaging igagalang ang mga karapatan at dignidad ng OFWs.

At para sa mga umabuso at nanggamit sa OFWs, hiniling ni Bishop Santos na magsisi ang mga ito.

“We remind them Jesus calls in today’s gospel: repent,” aniya.

Ipinagdiri­wang ng Catholic Church in the Philippine­s ang 32nd National Migrants Sunday (NMS) kahapon, ang unang Linggo ng Kuwaresma.

Ang NMS ay isang espesyal na Linggo na iniaalay para sa mga sakripisyo at kabayaniha­n ng OFWs at kanilang mga pamilya.

Ang pambansang pagdiriwan­g ngayong taon ay ginanap sa Diocese of San Pablo sa Laguna.

Sa Archdioces­e of Manila, ang culminatin­g activities ay idinaos sa Sto. Nino de Pandacan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines