Balita

2 nagsusugal nahulihan ng boga, droga

- Hans Amancio

Kalaboso ang dalawang lalaki, kabilang ang isang menor de edad, nang mahulihan ng baril at hinihinala­ng droga habang naglalaro ng cara y cruz sa Maynila, nitong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Randy Pillas, 24 anyos, walang trabaho, nakatira sa Barangay Kahilum I, Pandacan; at isang 16-anyos na constructi­on worker.

Sa ulat ng pulisya, nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Station Intelligen­ce at Station Drug Enforcemen­t Team, sa pangunguna nina Senior Insps. Edwin Fugan at Loreto Tigno, ang dalawa sa ikinasang anti- criminalit­y campaign sa P.M. Guazon Street sa Bgy. 845, Pandacan, dakong 12:30 ng madaling araw.

Namataan ng mga pulis sa lugar ang dalawang suspek na naglalaro ng cara y cruz, at kinumpiska ang P370 pusta sa sugal. Nakuha rin umano kay Pillas ang isang .38 caliber revolver na kargado ng limang bala, at isang pakete ng hinihinala­ng shabu.

Kakasuhan ng paglabag sa Anti-Illegal Gambling Law (P.D. 1602) ang dalawang suspek, habang may dagdag na asuntong kakaharapi­n si Pillas, kabilang ang illegal possession of firearms at paglabag sa Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines