Balita

Vendor itinumba ng gunman

- Orly L. Barcala

Patay ang isang fish vendor na dati umanong sangkot sa ilegal na droga matapos barilin sa ulo ng hindi nakilalang salarin sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Alvin Osman, alyas “Benok”, 24 anyos, ng Gozon Compound, Barangay Letre.

Sa inisyal na imbestigas­yon ni SPO2 Joselito Bagting, dakong 4:00 ng madaling araw nang mangyari ang pamamaril sa C-5 Road sa Bgy. Longos patungong fish port.

Naghihinta­y ng masasakyan ang biktima nang biglang sumulpot ang suspek na nakasuot ng sombrero at puting T-shirt, at binaril sa ulo ang biktima gamit ang .45 caliber pistol.

Kaagad ding tumakas ang suspek.

Sinabi ng kinakasama ng biktima na hindi nabanggit ang pangalan, na dati na umanong nasangkot sa pagbebenta ng shabu ang kanyang live- in partner, pero nagbago na at nagtitinda na lamang ng isda ngayon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines