Balita

‘Tulak’ laglag sa Calocan

- Orly L. Barcala

Dalawang plastic sachet na naglalaman ng hinihinala­ng shabu ang nakumpiska sa isang babaeng ‘tulak’ ng droga sa ikinasang buy-bust operation sa Caloocan City, nitong Sabado ng hapon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002 si Lady Hope Gunangco, alyas “Grasya”, 30 anyos, residente ng West Grace Park, Barangay 63, ng lungsod.

Unang naaresto ang live- in partner ni Gunangco na si Mark Louie Fernandez, alyas “Oweng”, sa buybust operation nitong Biyernes, at itinuro rin umano nito ang kinakasama na nagtutulak umano ng ilegal na droga.

Sinabi ni Senior Insp. Dave Capurcos, hepe ng Police Community Precinct (PCP) 2 ng Caloocan City Police Station, na matagal nang nagsasagaw­a ang pulisya ng test buy sa magka-livein hanggang sa ikasa ang operasyon laban kay Gunangco sa West Grace Park, pasado 5:00 ng hapon.

Narekober umano sa suspek ang dalawang sachet ng hinihinala­ng shabu na nagkakahal­aga ng P900, at P300 buy-bust money.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines