Balita

UST, markado sa panalo sa UP

-

NAITAKAS ng University of the Santo Tomas ang 3-2 panalo kontra University of the Philippine­s para manatiling nasa ibabaw ng liderato sa UAAP Season 80 women’s football kahapon sa Rizal Memorial Stadium.

Kaagad na nakasikor sa Lady Maroons si Blessie Perez sa unang minuto ng laro bago nasundan nina Tigresses Hazel Lustan at Mary Indac para sa 2-1 bentahe.

Nasundan ni Shela Cadag ang goal para sa 3-2 bentyahe ng UST at hindi na lumingon pa sa laban.

Naitala ni Nicole Andaya ang goal sa ika-50 minuto para sandigan ang defending champion De La Salle sa 1-0 panalo kontra Far Eastern University.

Umusad ang Lady Archers sa solong second place na may anim na puntos, habang nakabuntot ang Lady Tamaraws na may apat na puntos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines