Balita

RESPETO!

Mitchell, slam dunk king; Booker, umukit ng bagong marka

-

LOS ANGLES ( AP) – Sa unang taon ni Donovan Mitchell sa NBA, tunay na kapansinpa­nsin ang kanyang taleto. At sa NBA All- Star weekend, tinumbasan niya ang inaasahan ng basketball fans.

Tinanghal na 2018 Verizon Slam Dunk champion ang 6- foot- 4 na si Mitchell ng Utah Jazz nitong Sabado ( Linggo sa Manila) sa All- Star Saturday night sa Staples Center.

Kinakailan­gan niyang makaiskor ng 47 sa final dunk para magapi si Larry Nance Jr. ng Cleveland Cavaliers. Sa kanyang final dunk, suot ang Toronto jersey ng idolong si Vince Carter, umiskor siya ng 48 para tanghaling bagong hari sa Slam Dunk.

Kapwa kinailanga­n ng dalawa ang tulong at suporta ng kapamilya para maisagawa ang inihandang dunk. Kinuha ni Mitchell sa bench ang nakababata­ng kapatid na babae, gayundin ng comedian na si Kevin Hart ang anak nitong lalaki para sa ikalawang dunk sa first round. Suot naman ang Phoenix jersey na suot ng ama nang magwagi bilang unang Slam Dunk champion noong 1984, ginaya ni Nance Jr., ang istilo ng ama. Sa final round, ang ama na si Larry Sr. ang naghagis ng bola para sa alleyoop windmilled dunk.

Ngunit, natabunan ni Mitchell ang istilo ni Nancy Jr. nang gayahin ang reverse 360 dunk na nagpanalo kay Vince Carter noong 2000 Slam Dunk contest sa Oakland.

Umiskor si Mitchell ng perfect 50 sa kanyang unang dunk sa final round nang kunin para sa impresibon­g one-hand dunk ang ibinatong bola sa board.

Maituturin­g ‘great replacemen­t’ si Mitchell, lider ng Jazz sa impresibon­g 11- 0 winning run bago ang All- Star break, matapos palitan si 2016 Slam Dunk runner- up Aaron Gordon bunsod ng injury.

“I wanted this so badly,” pahayag ni Mitchell. “This is one of my favorite events of All- Star weekend. To not only be in it, but to win it, it’s crazy.”

 ?? AP ?? VINCE MOVE! Pinarangal­an ni Utah Jazz rookie Donovan Mitchell ang idolong si Vince Carter sa impresibon­g dunk na tulad sa istilong pinagwagih­an ng All-Star at Olympian sa kanyang kabataan sa isinagawan­g 2018 NBA All-Star basketball Slam Dunk contest.
AP VINCE MOVE! Pinarangal­an ni Utah Jazz rookie Donovan Mitchell ang idolong si Vince Carter sa impresibon­g dunk na tulad sa istilong pinagwagih­an ng All-Star at Olympian sa kanyang kabataan sa isinagawan­g 2018 NBA All-Star basketball Slam Dunk contest.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines