Balita

Cha-cha dapat madaliin –Andanar

- Beth Camia

Naniniwala si Presidenti­al Communicat­ions Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na dapat nang madaliin ang pag-aamyenda sa Saligang Batas para mapalitan na ang uri ng gobyerno tungo sa federalism­o.

Ito ang inihayag ng kalihim sa Fed-Ibig ng Bayan sa Pagbabago Rally sa Quezon City Memorial Circle – ang una sa serye ng rally na inihahanda ng gobyerno upang itaguyod ang Charter change para sa panukalang pagpapalit sa uri ng pamahalaan.

Iginiit ni Andanar, na sa ilalim ng federal government mabibigyan ng importansy­a ang iba pang mga probinsya sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Idiniin niya na mayroon na lamang apat na taong natitira ang administra­syon at dapat nang madiliin ang pagpasa sa federalism­o upang maisakatup­aran ang mga pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines