Balita

U.S. kinasuhan ang Russians sa eleksiyon

-

WASHINGTON (Reuters) – Isang Russian propaganda arm ang namahala sa criminal at espionage conspiracy para i-tamper ang 2016 U.S. presidenti­al campaign pabor kay Donald Trump at ipatalo si Hillary Clinton, nakasaad sa indictment na inilabas nitong Biyernes.

Kinasuhan ng opisina ni U.S. Special Counsel Robert Mueller ang 13 Russians at tatlong Russian companies, kabilang ang St. Petersburg-based Internet Research Agency na kilalang troll sa social media.

Nakasaad sa dokumento sa korte na ang mga akusado “had a strategic goal to sow discord in the U.S. political system, including the 2016 U.S. presidenti­al election.”

Ayon dito, gumamit ang mga Russian ng false online personas para isulong ang divisive messages; bumiyahe sa United States para mangalap ng intelligen­ce, bumisita sa 10 estado; at nagsagawa ng political rallies habang nagpapangg­ap na mga Amerikano.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines