Balita

4 na bitay sa child killer

-

PUNJAB (AFP) – Pinatawan ng isang korte sa Pakistan nitong Sabado ng apat na parusang bitay ang lalaking inakusahan ng panggagaha­sa at pagpatay sa isang anim na taong gulang na babae, sa kasong ikinagimba­l ng bansa at nagbunsod ng mga riot sa kanilang bayan.

Si Imran Ali, 24, ay nilitis sa pagpatay kay Zainab Fatima Ameen sa silangang lungsod ng Kasur nitong nakaraang buwan.

Nahaharap din siya sa mga kaso ng pito pang pag-atake sa ibang bata sa Punjab city — lima ay pinatay— sa serye ng mga pag-atake na naghasik ng takot mga tao kaugnay sa isang gumagalang serial child killer. Umamin siya sa walong pag-atake, kabilang ang pagpatay kay Zainab.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines