Balita

Kapitan, inambush ng tandem

- Lyka Manalo

TAAL, Batangas-Naglunsad na ng imbestigas­yon ang Taal police station kaugnay ng pamamaslan­g sa isang barangay chairman sa Taal ng lalawigang ito nitong Sabado ng gabi.

Ipinangako ni Senior Insp. Ricaredo Dalisay, hepe ng Talisay Police, gagawin nila ang lahat upang matukoy ang responsabl­e sa pamamaril kay Ireneo Quintana Almazan, 56, ng Barangay Carasuche, Taal.

Nangyari aniya ang insidente ilang metro lamang ang layo sa barangay hall dakong 9:20 ng gabi.

Sa imbestigas­yon, biglang sumulpot ang isang motorsiklo lulan ng dalawang lalaki at pinagbabar­il ang biktima.

Tinangkang isugod sa Taal Polymedic Hospital ang biktima ngunit dead-on-arrival na ito dahil sa mga tinamong tama ng bala sa katawan.

Paliwanag pa ni Dalisay, sinisiyasa­t din nila ang isa sa anggulong may kaugnayan ang insidente sa darating na barangay election kung saan plano umano kumandidat­o muli ni Almazan bilang kapitan ng barangay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines