Balita

Ammunition, nasamsam sa checkpoint

- Liezle Basa Iñigo

STO. TOMAS, Pangasinan-Posibleng itinapon ng isang motorista ng mga bala ng baril na nasamsam ng pulisya sa isang checkpoint sa Sto. Tomas, Pangasinan nitong Sabado ng gabi.

Paliwanag ng Sto. Tomas Police Station, dakong 11:50 ng gabi nang madiskubre ang isang magazine ng isang cal. 40 pistol na may lamang anim na bala, ilang metro ang layo sa lugar na pinagpuwes­tuhan ng mga pulis.

Paniwala ng pulisya, maaaring itinapon ito ng isang motorista upang hindi ito masita sa inilatag nilang checkpoint sa Carmen-Alcala Road sa Barangay San Marcos. Iniimbesti­gahan pa ng pulisya ang insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines