Balita

2 inaresto sa jueteng

- Leandro A. Alborote

MONCADA, Tarlac-Patuloy pa rin ang kampanya ng pulisya laban sa illegal na sugal sa Tarlac matapos madakip ang dalawa-katao sa isang pagsalakay sa Moncada nitong Sabado ng gabi.

Ipinahayag ni Chief Inspector Palmyra Guardaya, hepe ng Moncada Police Station, nabulaga sina Mark Jeric Bautista, operator, 32, ng Barangay Apulid, Paniqui, Tarlac; at Jan Vincent Dela Cruz, 18, binata, nang dakmain sila ng mga pulis sa sa Barangay San Vicente, Tarlac City. Nakumpiska ng pulisya ang isang playing table o tapete at iba pang parapherna­lia. Pinaghahan­ap naman ngayon ang sinasabing financier ng mga ito na si Janice Tiqui, 50, mayasawa, ng Barangay San Jose, Nueva Ecija.

Inihahanda na ng pulisya ang kasonng paglabag sa Presidenti­al Decree 1602 (Anti-Illegal Gambling) laban kina Bautista Dela Cruz.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines