Balita

Truck tumagilid: 2 patay, 10 sugatan

- Fer Taboy

Dalawang katao ang nasawi habang 10 ang nasugatan nang tumagilid ang isang truck sa Toledo City, Cebu kahapon.

Kinilala ng Toledo City Police Office (TCPO) ang nasawi na sina Maria Janila Bantoy, 52 anyos; at Antonieta Villamia, 53 anyos.

Kabilang sa mga nasugatan ang dalawang bata na ginagamot pa sa Toledo City Hospital.

Batay sa imbestigas­yon ng TCPO, nangyari ang insidente nitong Sabado ng gabi makaraang mawalan ng preno ang truck na magdadala sana ng mga gulay sa Carbon public market.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng pulis ang driver ng truck na si Roswel Sumbilon, na kabilang sa nasugatan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines