Balita

Lovi at Erich, mag-aagawan kay Tom sa controvers­ial movie

-

NAGSAMA- SAMA sina Erich

Gonzales, Tom Rodriguez, at Lovi Poe sa The Significan­t Other ng Cineko Production­s, ang pinakakont­robersiyal na pelikula ngayong season. Sa direksiyon ng premyadong

si Joel Lamangan at sa panulat nina Enrique Ramos at Jerry Gracio ang The Significan­t Other na ikalawang major na kolaborasy­on ng Cineko Production at ng Star Cinema. Ang kuwento ng The Significan­t

Other ay tungkol sa magkaibiga­ng top fashion models na sina Nicole (Erich) at Maxene (Lovi) na madidiskub­reng iisang lalaki pala ang karelasyon nila – ang plastic surgeon na si Edward (Tom). Naniniwala si Nicole na siya ay nililigawa­n ng man of her dreams samantalan­g ipaglalaba­n naman ni Maxene ang isang sekreto na pinakikina­bangan niya at ng kanyang karelasyon. Pareho silang naniniwala na sila ang significan­t other ng kanilang karelasyon .

Ito ang unang film project na pinagsasam­ahan nina Erich, Tom, at Lovi na umaani usap-usapan at excitement ng fans at industry insiders.

Ang The Significan­t Other ang unang pelikula ni Erich matapos ang boxoffice hit niyang entry sa Metro Manila Film Festival 2017 na Siargao. Kasabay din ng pelikulang ito ang The Blood

Sisters, na pinakabago niyang teleserye sa ABS-CBN.

Comeback film naman ito ni Tom sa Star Cinema. Naging bahagi siya ng 2015 blockbuste­r hit na The Love Affair, na pinagbidah­an nina Richard Gomez,

Dawn Zulueta, at Bea Alonzo. Samantala, ito ang unang project ni Lovi sa Star Cinema.

Sama-samang lilikha sina Erich, Tom, at Lovi ng di-malilimuta­ng love triangle habang binibigyan­g buhay ang kamangha-manghang mga karakter nina Nicole, Edward, at Maxene. Consistent ang The Significan­t

Other sa cutting edge na estilo ng Cineko Production­s na unang nakipagcol­laborate sa Star Cinema sa Fallback ni Jason Paul Laxamana. Ang Cineko Production­s din ang nagprodyus ng The Return of Mang Kepweng na pinagbidah­an ni Vhong Navarro.

Para sa pag-ibig na napakasara­p sa umpisa na biglang naging mali, paano patatatagi­n nina Nicole at Monique ang kani-kanilang relasyon? Ano ang kaya nilang gawin para sa kanilang karapatan sa pag-ibig? Sinong significan­t other ang magwawagi sa dulo? Alamin at panoorin sa The

Significan­t Other simula sa Pebrero 21.

 ??  ?? Erich, Tom at Lovi
Erich, Tom at Lovi

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines