Balita

Dagdag-kontribusy­on sa SSS, pinipigil

- Leonel M. Abasola

Nanawagan si Senator Nancy Binay sa Social Security System (SSS) na suspendihi­n muna ang planong pagtataas sa buwanang kontribusy­on ng mga miyembro, na balak gawing 14 na porsiyento mula sa kasalukuya­ng 11%.

Aniya, kailangang itigil muna ng SSS ang planong dagdag-kontribusy­on, at pag-aralang humanap ng ibang options bago tuluyang itaas ang kontribusy­on.

Sinabi ni Binay na ang anumang benepisyo na makukuha ng mga myembro ay nasagasaan na rin ng bagong Tax Reform for Accelerati­on and Inclusion (TRAIN) Law.

“Kung ano man ang konting ginhawa dahil sa adjustment sa personal income tax, mawawala rin dahil sa planong itaas ang SSS contributi­on,” sabi ni Binay. “Ipakita muna ng SSS na tapat silang bigyan ng magandang serbisyo ang kanilang mga miyembro, habulin ang mga delinquent accounts, at bigyang tugon ang mga reklamo ng pensioners at sa mga nag-a-apply ng loan—then, let’s talk business.”

Aniya, nabigo ang SSS na palaguin ang koleksiyon nito dahil na rin sa madalas umano’y kapalpakan ng pamamahala rito.

“Unang-una, pag-aralan po ng SSS kung papaano nito palalakasi­n ang collection system nito, lalo na sa mga delinquent employers. At sa mga borrower, i-ensure po natin na nakakabaya­d sila ng loans nila on time,” ani Binay.

Lumabas din sa pagdinig ng Senate committee on government corporatio­ns at labor na may 8.3 milyong delinquent member ang SSS, na may utang na P42.7 bilyon, at tinatayang may interes na P25.3 bilyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines