Balita

2 pulis-Caloocan sabit sa extortion

- Aaron Recuenco

Ilang buwan makaraaang sibakin ang buong puwersa nito dahil sa iregularid­ad sa mga operasyon, muling nalagay sa alanganin ang Caloocan City Police makaraang dalawang bagitong pulis at isang police asset ang isinasangk­ot ngayon sa pangingiki­l sa pagsasagaw­a ng operasyon kontra droga.

Sinabi ni Senior Supt. Jose Chiquito Malayo, hepe ng AntiScalaw­ag Unit Counter Intelligen­ce Task Force (CITF) ng Philippine National Police (PNP), nag-demand umano sina PO1s John Paul Bautista at Emerson Santillan ng P300,000 sa inaresto nilang si Joel Manansala, sa bahay ng huli sa Barangay 177 sa Camarin 2, nitong Pebrero 20.

Bukod sa dalawang pulis na kapwa tauhan ng Police Community Precinct (PCP)-5 ng Caloocan City Police, kinilala ni Senior Supt. Malayo ang isa pang akusado, si Christian Fernandez, police asset na nagsilbi umanong negosyador ng dalawang pulis sa mga kaanak ni Manansala.

Batay sa imbestigas­yon ng CITF, nadakip si Manansala sa loob ng kanyang bahay sa anti-drugs operation dakong 10:00 ng gabi nitong Martes.

“While in detention at the PCP 5 jail, one of the arresting officers demanded from him P300,000 to avoid being criminally charged,” ani Senior. Supt. Malayo.

Ayon pa sa opisyal, ipinabatid umano ang demand sa kinakasama ni Manansala na humingi ng tulong sa CITF para maisagawa ang entrapment matapos kumagat si Fernandez sa pagtanggap ng P10,000 down payment.

Gayunman, napurnada ang operasyon matapos umanong makatunog si Fernandez.

Sa raid sa bahay ni Manansala nitong Pebrero 20, tinangay pa umano ng mga pulis ang television set at P3,000 cash sa bahay.

Sa imbestigas­yon, nabatid ng CITF na bagamat nakakulong sa PCP-5 simula nitong Pebrero 20, walang record ng pagkakadak­ip kay Manansala, kaya pinalaya ng task force ang huli.

“The two policemen are no longer reporting to duty since February 21,” ani Senior Supt. Malayo.

Matatandaa­ng sinibak noong nakaraang taon ni National Capital Region Police Office ( NCRPO) Regional Director Oscar Albayalde ang mahigit 1,000 pulis-Caloocan upang isailalim sa re-training kasunod ng sunud-sunod na pagkamatay ng mga teenager sa mga anti-drug operation sa lungsod.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines