Balita

Sinibak na Army, NPA official laglag sa KFR

- Ni MARTIN A. SADONGDONG

Isang nadismis na sundalo ng Philippine Army ( PA) at isang hinihinala­ng lider ng New People’s Army (NPA) ang naaresto ng Philippine National Police ( PNP) at iprinisint­a sa media sa Camp Crame sa Quezon City kahapon dahil sa kanila umanong pagkakasan­gkot sa serye ng kidnap-for-ransom (KFR) sa bansa.

Kinilala ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa ang mga suspek na sina Brandall Mark Cacatian, alyas “Cat”, nasa hustong gulang, nasibak na sundalo at ikawalo sa most wanted ng PNP; at Donat Jacob, alyas “Jonas” at “Dondon Diego”, na umano’y tumatayong lider ng NPASandata­hang Yunit Propaganda (SYP) na kumikilos sa Bulacan.

Ayon kay Dela Rosa, si Cacatian ay nahuli nitong Pebrero 21 sa Levi Mariano Street, Barangay Ususan, Taguig City, sa bisa ng arrest warrants para sa kidnapping with ransom at kidnapping with homicide.

Sinabi ni Dela Rosa na nadismis si Cacatian mula sa 2nd Infantry Division ( 2ID) ng Army noong 2006, at kabilang umano sa pitong dumukot kay Santy Bryan Ang noong Disyembre 7, 2012 sa Lucban, Quezon.

“In this case, the initial ransom demand of the kidnappers was P7 million which was eventually reduced to P1.069 million through negotiatio­n,” pahayag ni Dela Rosa.

Sinabi pa ni Dela Rosa na ang ransom na ibinayad ng pamilya at ni Ang ay inilabas noong Disyembre 10, 2012. Naghain naman ng kaso ang pamilya Ang laban sa pitong suspek na sanhi ng pagkakadak­ip ng mga ito at ang pinakahuli­ng nadakip ay si Cacatian.

Dawit din umano si Cacatian sa pagdukot at pagpatay kay Jefferson Vince Uy noong Disyembre 12, 2014 sa Barangay Tangob, Padre Garcia, Batangas.

Binanggit pa ng PNP chief na ang 10 miyembro ng grupo ni Cacatian ay humingi ng P7 milyon ransom sa pamilya hanggang sa maibaba ng negosyador sa P357,000.

“However, despite the payment of ransom, the victim was still killed by the kidnappers,” ani Dela Rosa, at anim, aniya, sa mga kidnapper ang natimbog habang apat na iba pa ang pinaghahan­ap.

Samantala, naaresto si Jacob ng pinagsanib na puwersa ng PNPAKG, Intelligen­ce Group (IG) at Malabon City Police nitong Sabado sa F. Navarette-Panghulo Road sa Obando, Bulacan.

Si Jacob umano ang nagsilbing kolektor ng NPA- SYP group sa pangingiki­l umano sa mga pulitiko at operator ng fishpond at quarry sa Bulacan, at naaresto sa bisa ng arrest warrant para sa kasong robbery with intimidati­on na isinampa ng fish pond operator na si Rodolfo Gaddi, ng Hagonoy, Bulacan.

Lumitaw na si Jacob ay kabilang din umano sa anim na hinihinala­ng kidnapper ng 27-anyos na si Raziel Esguerra noong Disyembre 22, 2017 sa Biñan, Laguna, isang highlycont­roversial case na pumatay sa “best man” ng PNP-AKG na si Supt. Arthur Masungsong.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines