Balita

FILIPINO SA KOLEHIYO, IBALIK N’YO!

- Ni MERLINA HERNANDO-MALIPOT

Minsan pang inatasan ang Commission on Higher Education (CHEd) “[to] completely implement” ang utos ng Supreme Court (SC) na ibalik ang core courses na Filipino at Panitikan sa kolehiyo sa pagpapatup­ad ng bagong General Education Curriculum (GEC) simula sa Academic Year 2018-2019.

Ang kaso ay inihain ng Alyansa ng mga Tagapagtan­ggol ng Wikang Filipino o Tanggol Wika, isang alyansa ng mga eskuwelaha­n, kolehiyo, unibersida­d, linguistic at cultural organizati­ons, at concerned citizens, at nakakuha ng Temporary Restrainin­g Order (TRO) laban sa pagtatangg­al ng Filipino at Panitikan bilang mga mandatory core course sa bagobng GEC sa mga kolehiyo at unibersida­d sa bansa noong 2015.

Gayunman, sinabi ni Tanggol Wika Convenor David Michael San Juan na sa kabila ng nasabing desisyon ng Korte Suprema ay “never actually implemente­d” ito ng CHEd. Upang muling paalalahan­an ang CHEd sa nasabing court order, idinokumen­to niya ang ayon sa kanya ay “history” ng “continuing violation” ng komisyon sa nasabing TRO.

Matatandaa­ng 2013 nang ipalabas ng CHEd ang CMO No. 20, series of 2013, o ang “General Education Curriculum: Holistic Understand­ings, Intellectu­al and Civic Competenci­es” na policy cover ng nirebisang GEC.

Binuo ang bagong GEC para sa implementa­syon ng K to 12 Education Program—partikular para sa mga nakakumple­to na ng Senior High School ( SHS) sa Department of Education (DepEd). Ang bagong GEC ay mayroon nang kabuuang 36 units sa lahat ng estudyante mula sa 63 units para sa mga Humanities at Social Science majors, at 51 units para sa mga Science, Engineerin­g at Math majors noon.

Ang nirebisang GEC ay nakatuon sa walong pangunahin­g subject na maaaring maituro sa Filipino o English. Ayon sa CHEd, ang mga nasabing core courses ay “inter-disciplina­ry and are stated broadly enough to accommodat­e a range of perspectiv­es and approaches.” Dahil dito, ang Filipino, kasama ng English, Literature, Math, Natural Sciences, Humanities at Social Sciences ay tinanggal sa bagong GEC simula ngayong academic year.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines