Balita

QC Jail riot: 1 patay, 10 sugatan

- Jun Fabon

Dahil umano sa pikunan sa Family Day ng mga preso, sumiklab ang riot sa pagitan ng Commando at Bahala Na Gangs sa Quezon City Jail, na ikinasugat ng siyam na bilanggo at isang pulis, habang nasawi naman sa atake sa puso ang isa pang kakosa, nitong Linggo ng hapon.

Sa ulat ni QCJ Warden Supt. Emerlito Moral, kinilala ang nasawi na si Felixberto Nesogas, 49, may kasong paglabag sa Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165), ng Barangay Bahay Toro.

Nilalapata­n naman sa infirmator­y clinic ng QCJ ang siyam na bilanggo na pawang miyembro ng nabanggit na dalawang grupo, habang nasugatan sa basag na salamin ng investigat­ion room ang tauhan ng Quezon City Police District (QCPD)-Station 10 Kamuning na si PO1 Miguel Andrew Uniate.

Lumitaw sa imbestigas­yon ni SPO1 Marlon C. Tan, ng QCPD- Station 10 Kamuning, na dakong 4: 10 ng hapon nang sumiklab ang riot sa pasilidad ng QCJ na nasa likuran lang ng nasabing presinto.

Nauna rito, nagkaroon ng Family Day ang kaanak ng mga bilanggo hanggang sa magkapikun­an sa hapag-kainan, hanggang nagkasigaw­an ang mga preso mula sa dalawang grupo bago nagkasugur­an ng saksak.

Kaagad namang rumesponde ang mga tauhan ng QCPD-Station 10 at mga jail guard hanggang naawat ang kaguluhan bandang 4:44 ng hapon.

Paiimbesti­gahan ni Supt. Moral ang mga jail guard na naka-duty kung may nangyaring kapabayaan sa insidente.

 ?? MARK BALMORES ?? HANAP PA MORE! Masusing ginalugad kahapon ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang mga selda sa paghahanap ng mga kontraband­o matapos masangkot ang mga kasapi ng Commando at Sigue-Sigue Gangs sa riot sa Quezon City Jail, na...
MARK BALMORES HANAP PA MORE! Masusing ginalugad kahapon ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang mga selda sa paghahanap ng mga kontraband­o matapos masangkot ang mga kasapi ng Commando at Sigue-Sigue Gangs sa riot sa Quezon City Jail, na...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines