Balita

Mabilisang pagpupursi­ge ng katarungan para kay Joanna Demafelis

-

MABILIS na umuusad ang mga kaganapan sa kaso ni Joanna Demafelis, ng Barangay Ferraris, Sara, Iloilo. Simula nang matagpuan ang bugbog-sarado niyang bangkay sa loob ng freezer sa isang apartment sa Kuwait na inabandona ng kanyang mga dating amo, isang Lebanese at misis nitong Syrian, ipinatigil ni Pangulong Duterte ang pagpapadal­a ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait. Daan-daan sa mga manggagawa­ng ito ay nagsisiuwi na mula sa Kuwait, sa tulong ng Cebu Pacific at Philippine Airlines.

Naaresto na sa Lebanon ang amo ni Joanna, si Nader Essam Assaf, habang sa Damascus naman nadakip ang misis nitong Syrian na si Mona Hassoun. Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na inaasahan niyang ipupursige ng mga awtoridad sa Kuwait ang extraditio­n ng mag-asawa upang malitis ang mga ito sa Kuwait sa kasong murder.

Pinapanago­t din ni Department of Labor and Employment (DoLE) Secretary Silvestre Bello III ang mga Pilipinong labor officer sa Kuwait, sa kabiguang aksiyunan ang paghingi ng tulong ng pamilya Demafelis matapos siyang mawala nitong Enero ng nakalipas na taon.

Sa Maynila, hiniling ni Pangulong Duterte sa National Bureau of Investigat­ion na tugisin ang mga recruiter ni Joanna. Ang orihinal na nag-recruit sa kanya ay ang Our Lady of Mount Carmel Global E-Human Resources, Inc., na nagsara na sa ngayon. Ang dayuhang recruitmen­t agency na nangasiwa sa pag-alis ni Joanna ay ang Fadilah Farz Kaued al Khodor Recruitmen­t office, na napaulat na nasa watchlist ng Philippine Overseas Employment Administra­tion dahil sa isang nakabimbin­g kaso.

Dahil dito, magkakaugn­ay ang mga pagkilos ng maraming opisyal mula sa iba’t ibang bansa upang mabigyang hustisya ang pamamaslan­g sa Pinay. Bago si Joanna, may pitong OFW ang nasawi sa Kuwait nitong Enero, bagamat walang detalye tungkol sa kanilang mga pagkamatay, kundi mga ulat ng pagmamalup­it at pang-aabuso sa maraming Pilipinong manggagawa ng kanilang mga amo, iniulat ng DoLE. Napaulat din ang pagpapatiw­akal ng isang Pilipina makaraan siyang mabiktima ng panggagaha­sa.

Hindi tukoy ang pagkakakil­anlan ng mga biktimang ito, kundi bahagi lamang ng estadistik­a. Ang sumunod na Pilipinong nabiktima sa Kuwait ay kinilala — si Joanna Demafelis — at isinapubli­ko ang imahe ng isang magandang 28-anyos na breadwinne­r ng kanyang pamilya sa Iloilo. At labis na nakapangin­gilabot ang mga detalye ng kanyang pagkamatay, kaya imposiblen­g balewalain na lamang ito.

Ang pagkamatay ni Joanna ay isang mahalagang bahagi ng mahabang kasaysayan ng pagtatraba­ho ng mga Pinoy sa iba’t ibang dako ng mundo at ng pangangasi­wa ng ating pamahalaan sa programa nito para sa mga OFW — gaya ng kung paanong ang pamamaslan­g sa binatilyon­g si Kian delos Santos sa Caloocan City ay nagpabago sa Oplan Tokhang ng pamahalaan.

Ang mabilis at determinad­ong aksiyon ng Pangulo sa programa ng bansa para sa mga OFW sa Kuwait ay magwawasto sa mga maling patakaran na matagal nang ipinatutup­ad sa recruitmen­t ng mga OFW. Bago pa man sila umalis sa ating bansa, mahalagang mapanatili ng ating gobyerno ang pagsubayba­y sa kanila upang matiyak ang kanilang proteksiyo­n laban sa mga pang-aabuso sa mga bansang kanilang pinagtatra­bahuhan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines