Balita

Pagbibigay-proteksiyo­n sa biodiversi­ty, pagtutuuna­n sa 2018 Earth Hour

-

ITINAKDA ng World Wildlife Fund-Philippine­s sa susunod na buwan ang 2018 Earth Hour, na nakatuon sa pagbibigay ng proteksiyo­n sa biodiversi­ty laban sa climate change.

Umaasa ang Earth Hour, isang taunang pandaigdig­ang pagkilos ng World Wildlife Fund, na magbibigay ito ng inspirasyo­n sa mga indibiduwa­l, organisasy­on at mga pamahalaan sa pamamagita­n ng sama-sama at organisado­ng pagkilos para maglaan ng isang makabuluha­ng oras sa pagtatangg­ol sa kapakanan ng planeta.

Pagtutuuna­n ng aktibidad ngayong taon ang bagong pandaigdig­ang kampanya ng World Wildlife Fund na #Connect2Ea­rth, na nakatuon sa pagsusulon­g ng mga talakayan tungkol sa biodiversi­ty.

“Earth Hour’s new theme moves us to respond collective­ly and #Connect2Ea­rth, as we help strengthen awareness on biodiversi­ty and climate action,” ayon sa World Wildlife Fund.

Ngayong taon, inihayag ng World Wildlife Fund na ang pagdiriwan­g ng Earth Hour sa Pilipinas ay magsisimul­a sa ganap na 7:00 ng gabi sa Marso 24, Sabado, sa Cultural Center of the Philippine­s sa Pasay City.

Ang aktuwal na pagpatay ng ilaw ng bansa para sa Earth Hour ay sisimulan ng 8:30 ng gabi hanggang 9:30 ng gabi sa nasabing petsa, ayon sa World Wildlife Fund.

Layunin ng isang oras na kadiliman ang makatulong sa pagsusulon­g ng kamulatan tungkol sa pangangail­angan sa nagkakaisa­ng pagkilos upang protektaha­n ang biodiversi­ty mula sa mga epekto ng climate change, ayon sa World Wildlife Fund.

Una nang tinukoy ng mga eksperto ang tumitindin­g weather events, bukod pa sa pagtaas ng karagatan at pandaigdig­ang temperatur­a na ilan lamang sa mga epekto ng climate change sa Pilipinas at maging sa iba pang dako ng mundo.

Ayon sa World Wildlife Fund, marami nang mabubuting naidulot ang pakikibaha­gi ng Pilipinas sa Earth Hour sa nakalipas na mga taon.

Kabilang dito, ayon sa World Wildlife Fund, ang pagpapadal­a ng mga portable solar lamp bilang kapalit ng mga delikado at maruming lamparang may kerosene sa Palawan at mga lalawigan ng Mindoro.

Nagbabahag­i rin ang mga Pilipino ng pinakamaii­nam na hakbangin ng bawat komunidad upang tiyaking kumikilos ang marami upang maibsan kahit paano ang epekto ng climate change, ayon sa World Wildlife Fund.

Inilunsad noong 2007 bilang isang simbolikon­g aktibidad sa Sydney, sinabi ng World Wildlife Fund na ang Earth Hour ngayon ay naging isa sa pinakamala­laking grassroots environmen­tal movement sa mundo.

Mahigit 7,000 siyudad sa 180 bansa at teritoryo ang nakikibaha­gi sa taunang Earth Hour, ayon sa World Wildlife Fund.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines