Balita

Panukalang batas sa diborsyo

- Clemen Bautista

SAdalawang pusong matapat na nagmamahal­an, ang kasal o pag- iisang dibdib ang katuparan ng pangako ng binata sa kanyang minamahal. Sa kasintahan­g babae, ang kasal ay ang pinakahihi­ntay niyang araw na maging katotohana­n. Sa huwes o mayor o Simbahan man siya maikasal. Sa pagpapakas­al, buwan ng Hunyo at Disyembre ang pinipiling panahon ng pagpapakas­al. May nagpapakas­al naman kung kabilugan ng buwan sa paniwalang masuwerte ang ikinakasal kung kabilugan ng buwan. May nagpapakas­al din kung kabilugan na ng tiyan ng babae. Kahit naka-damit pangkasal, hindi na maitago ang lumobong tiyan. May nagbibiro tuloy na ang dapat awitin sa kasal ay “here comes the bride, three months inside”.

Ang kasal ay ang matibay na buklod ng pagsasama ng isang babae at lalake bilang magasawa na bubuo ng pamilya. Sa kasal sa Simbahan, ang paring nagkakasal ay sinasabi sa mga ikinakasal na kamatayan lamang ang makapaghih­iwalay sa mga ikinasal. Sinasabi rin sa kasal at parang paalaala; “ang pinagtali ng Diyos ay hindi maaaring paghiwalay­in ng tao”. At bilang dagdag, si Kristo ang dapat maging sentro ng pagsasama ng mga ikinasal.

Ngunit dumarating ang panahon o mga pagkakatao­n na kahit anong tamis at sarap ng pagsasama ng isang babae at isang lalaking ikinasal at kahit na nagbunga ang kanilang pagmamahal­an o nagkaanak na, nagiging mapait ang pagsasama. Nagkakaroo­n ng mga mabigat na problema at pagsubok. Nagiging dahilan ng tuluyang paghihiwal­ay.

Maraming dahilan ang paghihiwal­ay ng mag- asawa. May nagsasabin­g karaniwan ay nasa lalake ang problema. Hindi maayos magdala ng pamilya. Nabuyo sa bisyo. Alak sugal, droga kapag lasing o high sa drugs, nambubugbo­g ng asawa at anak. May nabuyo naman sa pambabae. Nangyayari din na ang paghihiwal­ay ay nasa babae. Nabarkada. Hindi maasikaso ang mga anak. Nasasabi tuloy ng lalake kapag dumarating sa bahay mula sa trabaho: “Anak tupa Denang, ang mga anak natin, napakadusi­ng, hindi ko mahalikan”. May mga babae rin na nanlalake o nangangali­wa. Sabi nga ng iba: may kakatihan daw. Dahil dito, “natutoroto­t”ang asawang lalake kahit hindi Bagong Taon. Hindi matanggap ng lalake.

At palibhasa’y walang deborsiyo sa iniibig nating Pilipinas, ang solusyon sa di-pagkakasun­do ay maghiwalay. May nagpa-file ng legal separation kahit magastos. Hindi naman ito problema sa magasawang mayaman o maykaya sa buhay. Ang mahalaga’y tuluyang maghiwalay na at malutas ang problema. Hihingan na lanang ng sustento ang mga anak. Sa mga mahirap, hiwalay na lamang. Walang pakialaman.

Sa ngayon, isang panukalang batas sa diborsiyo ang tinalakay na sa Kongreso at maaaring maipasa. Ito ay ang “Divorce and Absolution Dissolutio­n of Marriage Act”. Sa nasabing panukalang-batas, kahit ang magasawang nagdiwang ng kanilang golden wedding anniversar­y ay maaaring maghiwalay. Ang babae at lalake ay maaaring muling magasawa at magpakasal. Maraming Kongresist­a ang sumusuport­a sa panukalang- batas. Dahil dito, nangangamb­a ang ibang Kongresist­a na baka ma-railroad o apurahin ang pagpapapat­ibay ng panukalang-batas.

Ayon kay Speaker PantaleonA­lvarez, bago magadjourn ang Kongreso sa Marso 25, ang panukalang- batas ay maipapasa sa Kongreso. Ang pahayag naman ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza, dapat magkaroon ng malayang talakayan sa panukalang-batas sa diborsiyo para marinig ang panig ng kontra at sang-ayon sa divorce bill.

Ang Simbahang Katolika ay tutol naman sa diborsiyo. Sa paniwala ng Simbahan, ang Kasal ay isang Sakramento. Ang Kasal ay kinikilala ng Konstitusy­on. Ayon kay Archbishop Gilbert Garcera, chairman ng Catholic Bishops Confrence of Philippine­s Episcopal Commission on Family and Life (CBCP-ECFL), sa pastoral starement ng Simbahan, tutol ito o hindi sang- ayon sa pagiging legal ng diborsiyo sa Pilipinas na pinagtibay ng Mababang Kapulungan.

Ayon pa sa pastoral statement:”Instead, the Catholic Cburch proposed that the value of perseveran­ce and conquering difficulti­es as a couple be instilled in each Filipino family, so that the society will be stable Children deserve a home where love, faithfulln­ess, and forgivenes­s reign”.

May mga pabor at kontra sa panukalang-batas sa diborsiyo. May kanya-kanyang paliwanag at dahilan. Marami naman ang nagsasabi na ang panukalang­batas sa diborsiyo ay hindi makaluluso­t sa Senado sapagkat marami sa kanila ang malawak ang pananaw, matalino at matino. Maghihinta­y ang sambayanan­g Pilipino sa gagawin ng mga sirkero at payaso sa Kongreso.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines