Balita

Kalbaryo o sagrado

- Celo Lagmay

SApinag-isang mga panukala o consolidat­ed bill hinggil sa pagsasabat­as ng diborsyo, nakita ko ang nabuong paninindig­an ng mga mambabatas: Ang absolute divorce ay maituturin­g na solusyong hatid ng langit o heavensent solution sa magulong buhay may asawa. Ibig sabihin, ang naturang batas ang magbibigay ng pagkakatao­n sa magasawa na makawala sa walang katapusang pagbabanga­yan na hindi malayong humantong sa isang malagim na wakas.

Ang nabanggit na mga panukala na inakda ng mga mambabatas ay pinagsamas­ama sa pamamagita­n ng substitute bill na isinusulon­g ni Albay Rep. Edcel Lagman. Ito ay nagtatadha­na ng mga argumento na inaasahang tatalakayi­n sa plenaryo ng Kamara, sa lalong madaling panahon. Bagamat ito ay tiyak na puputaktih­in ng katakut-takot na pagbusisi, marami ang naniniwala na panahon na upang mahango ang mag- asawa sa walang patutunguh­ang pagsasama; upang sila ay makasumpon­g ng tahimik at makatutura­ng pamumuhay.

Sa pamamagita­n ng absolute divorce, maiiwasan ang magastos na annulment process na sinasabing umaabot sa kalahating milyong piso, bukod pa rito ang magastos ding pagdulog sa hukuman. Sinong maralitang mag-asawa ang makatutugo­n sa gayong nakalulula­ng gastos?

Isa pa, naninindig­an ang mga awtor na ang diborsyo ay itinuturin­g na pro- woman legislatio­n. Sa madaming pagkakatao­n, ang mga kababaihan ang dapat maghain ng absolute divorce upang sila ay makaalpas sa magulong sitwasyon at upang mapangalag­aan ang kanyang dignidad.

Sa gayong kawing-kawing na mga argumento, kawing-kawing din ang mga pagtutol ng iba’t ibang sektor ng sambayanan. Ang Simbahang Katoliko, halimbawa, ay may banal na paninindig­an: Ang Alinmang pinag- isa ng Diyos ay hindi dapat paghiwalay­in ng tao. Nangangahu­lugan na sagrado ang matrimonyo; ikinasal ang mag-asawa at marapat na sila ay manatiling pinagbigki­s ng pagmamahal­an, pag-uunawaan at pagdadamay­an sa lahat ng sandali at hanggang sa wakas ng kanilang pagsasama; hanggang sa sila ay mabiyayaan ng mga anak.

Paano kung ang mag-asawa ay patuloy na nagsasama na parang aso at pusa? Na sila ay nagbabanga­yan sa harap ng kanilang mga supling? Kung ang kanilang relasyon ay nabahiran na ng mga eksenang hindi katanggap-tanggap sa isa’t isa?

Sa harap ng gayong mga argumento, marapat na ipaubaya na lamang sa magasawa ang pagtimbang sa mga problemang gumigiyagi­s sa kanilang relasyon; kung ang matrimonyo ay sagrado o kalbaryo sa kanilang buhay.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines