Balita

Vitto Marquez,‘di nagmana sa ama?

- --Ador Saluta

NAMAMAYAGP­AG bilang Hashtag member ng It’s Showtime si Vitto Marquez, anak nina Joey Marquez at Alma Moreno.

Mukhang may mas malawak na tatahaking landas si Vitto dahil kasama rin siya sa barkada group na FBOIS na ilulunsad sa pelikulang Squad Goals ng Viva Films at contract star din siya ng Viva Artists Agency (VAA). Sa launh ng FBOIS, naitanong sa young hashtag member kung iiwanan na niya ang grupo sa It’s Showtime kapag nagkasunud- sunod na ang kanyang projects.

“Hindi po ako umalis, I’m part of Hashtags at naging part na po ako ng Hashtags while doing the movie,” sagot ni Vitto.

Viva ang may pakulo ng FBOIS, kaya wala namang conflict kung maging member siya ng grupo at nasa Hashtags pa rin siya.

“Parang hindi naman po siya conflict of interest. Nagpaalam po ako sa Viva bago ako nag-audition sa Hashtags,” kaya may blessings daw kay Boss Vic del Rosario ang career moves niya.

“Ang FBOIS po kasi ay parang tropa ng magkakaibi­gan na makikita nila sa pelikulang Squad Goals. Iba po ito sa Hashtags at huwag sanang dumating ‘yung time na papiliin ako kasi pareho kong gusto ‘yung dalawang grupo,” pahayag ng bagong aktor.

Aware ba siya na ang FBOI (f_ck boy) ay negatibo ang ibig sabihin?

“Actually, ‘yon po ‘yung unang naiisip talaga ng tao. Pero kami po ay may tigiisang F sa pangalan namin. Katulad po ako, Fitboi. Si Andrew ( Muhlach), Funnyboi. Si Julian(Trono), Flyboi. Si Jack ( Reid), Fastboi at si Dan ( Hushcka), Funkboi,” isa-isa niyang pagpapakil­ala sa mga kasama. F_ck boy ba siya sa tunay na buhay? “Of course not,” natawang sagot ng binatilyo. May tsismis kasing nakabuntis ang dalawa sa kanyang co-Hashtag members, ganoon din ba siya katulis? “Sana po hindi,” aniya. Nag- ingat ba siya na huwag makabuntis? “Siyempre, safe po tayo dapat. Sabi nga ng tatay ko, career muna,” agad niyang sagot. Nagpa-practice siya ng safe sex? “Of course, I mean, everyone should be, and para ano rin, risk-free.” May payo din daw ang ama ukol sa safe sex. “Ang payo niya sa akin is career muna. Before everything, pag-aaral and career.” Hindi ba siya pinagdadal­a ng tatay niya ng condom sa wallet para protektado siya? “Actually, umiiwas po ako. Ako na ‘yung mismong umiiwas na baka… Kasi one of the big factors is, naka-focus po ako sa career ko. And gusto kong maipakita na kung kaya ng tatay ko, kaya ko rin,” katwiran niya. Ano ang isinasagot niya kapag sinasabing posibleng manahin niya ang pagiging chickboy ng kanyang ama? “Actually, maraming nagtatanon­g sa akin, lalo na’t junior ako, gusto ko lang pong sabihin, nagiging ganu’n po ang tingin ng mga tao dahil sobrang bait po ng tatay ko. May sinasabi po tayo, ‘yung mga apprentice po, ‘yung tinuturuan ng mga master, ay natututo nang mas maayos. Kasi, alam nila ‘yung pinagdaana­n ng master nila. So, iiwasan po natin yun,” pahayag ni Vitto.

 ??  ?? Vitto
Vitto

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines