Balita

Lovi Poe, malakas manampal at payag ding masampal

- Ni NORA CALDERON

UMINGAY

ang usap- usapan na nagkasakit­an sa eksenang sampalan sina Lovi Poe at Erich Gonzales habang kinukunan ang blockbuste­r movie nila ngayong The Significan­t Other with Tom

Rodriguez, kaya tinanong si Lovi sa set ng The One That Got Away ( TOTGA) kung malakas ba talaga siyang manampal.

“Malakas po talaga akong manampal kapag totohanan ito,” nakangitin­g sagot ni Lovi. “Nagso-sorry naman ako after. Pero tinatanong ko rin ang sasampalin ko kung guato ba niya fake na sampal. Thankful nga ako na wala pa kaming sampalan blues dito sa aming romantic- comedy series.”

Paano naman niya tinatangga­p ang mga sampal sa kanya kapag siya naman ang tinatamaan?

“Nakakatawa nga kasi kilala natin ang husay nina Ms. Maricel Soriano at Ms. Cherie

Gil pagdating sa acting, pero hindi ako nakatikim ng matinding sampal sa kanila. Like si Ms. Maricel sa Ang Dalawang Mrs. Real si Dingdong ( Dantes) ang tumanggap ng maraming sampal sa kanya. Kaya tinanong ko sila, iyon pala, dahil naaalaala raw nila ang dad ko, si Fernando Poe Jr., kaya hindi raw nila itinodo ang sampal sa akin. “Pero ang hindi ko malilimuta­ng sampal kay Ms. Celeste Legaspi sa Ang Dalawang Mrs. Real. Hindi ko iyon in- expect, hindi ko napaghanda­an, sinalo ko lahat ng sampal niya. Part na iyon ng work namin, kaya hindi naman ako ang taong magku- confront kung nasaktan ako.” Sa TOTGA pumasok ang character ni Gab na ginagampan­an ni Renz Fernandez as her exboyfrien­d, bukod sa exboyfrien­d din niyang si Liam ( Dennis Trillo). Kaya biro kay Lovi, nagkasama ang dalawang anak ng showbiz royalty, sina Fernando Poe Jr. at Rudy Fernandez. Masaya sila ni Renz na napag-uusapan nila ang kanikaniya­ng ama. Gusto niyang katrabaho si Renz dahil mabiro rin kaya masaya silang lahat sa set ng TOTGA na napapanood gabigabi sa GMA-7 after Kambal Karibal.

 ??  ?? Lovi
Lovi

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines