Balita

Joshua, agad nakikipagb­ati ‘pag may tampuhan sila ni Julia

- Ni ADOR SALUTA

MAAYOS

ang kung anumang namamagita­n kina Joshua

Garcia at Julia Barretto. ‘“Bina-balance namin ang isa’t isa,” sabi ni Joshua. “Minsan, wala ako sa mood, siya ‘ yung magpapagan­da ng mood ko. ‘ Pag siya naman ‘yung wala sa mood, ako ‘yung nagpapagan­da ng mood niya. Balanced, very balanced.”

Wala siyang maalalang big fight na namagitan sa kanila ni Julia, pawang petty quarrels lang.

“Mga tampuhan lang, selosan, ganu’n lang. Walang todong away.” Sa mga tampuhan nila ni Julia, tinitiyak niya na siya ang unang nakikipagb­ati.

“Ako… ako. Pero minsan depende rin. Depende kasi rin ‘yon, eh, kung sino’ng may kasalanan.

“Eh, kadalasan kasi ako ‘ yung may kasalanan kaya ako ‘yung nauunang makipagayo­s,” nakangitin­g sabi ng binatilyo.

Isip- bata pa ba siya kaya sila nagkakatam­puhan?

“Hindi, ah! Hindi ako isip-bata,” tanggi ni Joshua. “Nagiging isip-bata lang ako ‘pag nagti-trip ako lalo na kapag gusto ko siyang asarin. Minsan naa-annoy na siya sa akin,” dagdag pa ng bidang aktor sa The Good Son.

Naniniwala rin si Joshua na hindi na dapat palakihin ang maliliit na problema sa relasyon nila ni Julia.

“Dapat kasi konting away lang n’yo, konting tampuhan dapat inaayos na, kasi lumalala ‘yung ganyan, eh. Saka ayoko naman yong todong away agad. Masyado kaming magiging komportabl­e sa isa’t isa kapag nag- away kami nang todo,” paliwanag pa ng mahusay na young actor.

 ??  ?? Joshua at Julia
Joshua at Julia

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines