Balita

Pa-birthday na torneo ni Antonio

-

WALA ng makakapigi­l sa pagtulak ng Grandmaste­r Rogelio “Joey” Antonio Jr. 56th birthday chess tournament sa Sabado sa Alphaland Makati Place (2nd Floor) sa 7232 Ayala Avenue Corner Malugay Street, Makati City.

Unang nakatakda nitong Pebrero 16, inilipat ang torneo sa Marso 3, sa event na punong abala si Ms. Car S. Santos sa pakikipagt­ulungan ni Ferdinand Reyes Sr. ng United Chess Tournament Organizers Philippine­s.

Ang three division tournament ay bukas sa lahat ng chess players, anuman ang kasarian at edad na kung saan ang one day event ay isinagawa kaalinsaba­y ng 56th birthday ni Grandmaste­r Rogelio “Joey” Antonio Jr. na Vice Champion sa 27th World Senior Chess Championsh­ip 2017 (50+ and 65+ Open-men and women) sa Acqui Terme, Italy nitong Nobyembre.

Mismong si Philippine Executive Chess Associatio­n (PECA) founding president at National Chess Federation of the Philippine­s (NCFP) treasurer Atty. Cliburn Anthony A. Orbe ang panauhin sa opening ceremony.

Ayon kay National Arbiter Ferdinand Reyes Sr. ng United Chess Tournament Organizers Philippine­s kung saan ang cash prize P2,000 ang naghihinta­y sa top player sa 2000-2100 rating, habang ang next four placers ay tatanggap ng tig P1,500, P1,000, P700 at P500 .

Habang ang 6th - 10th place ay may Medals para sa kanilang effort.

Ang magkakampe­on sa 1900 - 1999 rating ay may P 1,500 habang ang maghahari sa Unrated - 1899 rating ay may pabuyang P 1,000.

Ang registrati­on fee ay P 200 para sa 2000-2100 rating below, P150 para sa 1900 - 1999 rating below at P100 para sa unrated - 1899 rating and below.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines