Balita

Bagong marka sa Jr. NBA Camp

-

NAITALA ang bagong marka na 1,505 na kabataang lumahok sa Mindanao stage ng Jr. NBA Philippine­s 2018 na itinataguy­od ng Alaska, nitong weekend sa Fr. Saturnino Urios University sa Butuan City.

Nakilahok sa programa ang mga kabataang lalaki at babae na nagmulasa Butuan, Cagayan de Oro, Bukidnon, Davao, Sarangani at iba lang lungsod sa Mindanao, kabilang ang Higaonon, Manobo at Banwaon.

Ito ang unang pagkakatao­n na ginawa ang Jr. NBA Regional Selection Camp sa Butuan City, Agusan Del Norte.

Napili ng mga coach sa pangunguna nina Jr. NBA coach Rob Newson at Alaska Aces Jeffrey Cariaso ang 11 players na nagpamalas na kahusayan at character na nakabatay sa Jr. NBA core S.T.A.R. values na Sportsmans­hip, Teamwork, a positive Attitude and Respect.

Nabigyan ng pagkakatao­n na makabiyahe sa Manila para sa National Training Camp sa Mayo 18- 20 sina Richard Carvero III, 13, at Paolo Matthew Kho, 13, ng Corpus Christi School; Christian Joi Mesias, 14, ng Jose Maria College; Zhan Paolo Moreno, 13, ng Xavier University; Michael John Sarmiento, 13, ng Father Saturnino Urios University; Klein Tyrone Tagotongan, 13, ng St. Mary’s School; at Vince Uchi, 14, ng Alabel National Science Highschool for the boys division at Madelyn Flores, 14, ng Bukidnon National Highschool; Aishe Solis, 13, ng Corpus Christi School; Mikylla Taborada, 13, ng Kauswagan National Highschool; at Pauline Angelique Valle, 13, ng Misamis Oriental General Comprehens­ive Highschool sa girls division.

“There’s a lot of talent here. We were really impressed with at least three of the kids who were selected that we really feel have the natural ability to make it until the end. The kids love the game. They worked really hard and I’m excited to see them in Manila,” pahayag ni Coach Newson.

Ang mga kabataan na nagnanais na makasama sa National Camp ay may pagkakatao­n pa sa gaganaping Regional Selection Camps sa Baguio sa Marso 17- 18 at Manila sa April 21-22. Sa mga interesado­ng lumahok, maating magpalista sa online www.jrnba. asia.

 ??  ?? DETERMINAD­O ang batang kalahok na malagpaan ang drills na ibinigay ng coach sa Jr, NBA regional camp sa Butuan City.
DETERMINAD­O ang batang kalahok na malagpaan ang drills na ibinigay ng coach sa Jr, NBA regional camp sa Butuan City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines