Balita

Pitmasters Cup syapol uli sa NPAT ng Resorts

-

MAAGANG nagkumpirm­a ng lahok si Renato “Nato” Lacson – isa sa pinakamata­gumpay na local breeder sa banasa – kasama ang tatlong anak na lalaki sa gaganaping 2018 World Pitmasters Cup (Fiesta Editon) 9-Cock Internatio­nal Derby sa Abril 28 hanggang Mayo 5 sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila.

Sa pagtataguy­od nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, RJ Mea at Thunderbir­d’s two top endorsers Engr. Sonny Lagon at Gov. Eddiebong Plaza, sa pakikipagt­ulungan ni Ka Lando Luzong at Eric dela Rosa, asahang ang world- class na bakbakan sa programa na suportado ng hundebird Platinum – sa paluan ‘di mauunahan.

Kumuha na rin ng reservatio­n sina Jap Gagalac at Clarissa Salazar ng Livewire Gamefarm; Engr. Jacob Lee ng LJ Red Crown Gamefarm kasama ang partner na si Rene Maglayo; Barry Crisostomo; Philippine cockfighti­ng’s “Mr. Cool” Dicky Lim; top breeder Rafael “Nene” Abello; sabong princess Rhona Bullecer; Arman Santos; Cong. Khulit Alcala; Nestor Vendivil at Anthony Lim ng Quezon.

May basbas ng Games & Amusements Board, sa pamumuno ni Chairman Baham Mitra, ang 2018 World Pitmasters Cup 9-Cock Internatio­nal Derby stakes ay may garantisad­ong papremyona may kabuuang of P15 milyon. Walang sinisigil na entry fee sa karera na may 88,000 at minimum bet ng P55,000.

Ang 2-cock eliminatio­ns ay sa April 29 (Group A) at 30 (Group B), habang ang 3-cock semis ay syasyapol sa Mayo 1 (Group A) at 2 (Group B).

Sa mga nakaiskor na 3-3.5 ang 4-stag finals at sa Mato 3, habang ang may iskor na 4.5 at 5 puntos ay magtatagpo sa Mayo 5 para sa 4-cock grand finals.

Sa mga nagnanais na magpareser­ved, tumatangga­p na ng advance reservatio­ns sa 0927841997­9.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines