Balita

Bank Drive sa Ortigas binuksan na

- Jel Santos

Upang pagaanin ang lumalalang trapiko sa metropolis, inihayag ng Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA) na binuksan na sa mga motorista ang Bank Drive sa Ortigas Center sa Pasig City.

Ayon kay Traffic Engineerin­g Center (TEC) ng MMDA, maaari nang tahakin ng mga dumadaan sa EDSA papuntang Ortigas ang Bank Drive (kalsada sa pagitan ng Asian Developmen­t Bank at SM Megamall) simula 6:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga, araw-araw.

Dadaan ang mga motoristan­g patungong Ortigas sa Guadix Drive, ayon sa MMDA.

“Guadix Road is an identified chokepoint. With this road opening, we can somehow ease traffic in the busy area,” sabi ni Jose Arturo ‘Jojo’ Garcia, MMDA OIC general manager.

Layunin ng pagbubukas ng kalsada na bawasan ang pagbibigat ng trapiko sa EDSA-Ortigas area tuwing rush hour sa umaga.

Una rito, inihayag ng MMDA sa batay sa comparativ­e analysis sa simulation, ang oras ng biyahe sa EDSA northbound service road sa Ortigas Avenue, at Megamall patungong Meralco Avenue ay bumaba ng 19 na porsoyento. Mula sa pitong minuto at 41 segundo, ang katamtaman­g oras ng biyahe sa mga nasabing ruta ay nabawasan ng anim na minuto at pitong segundo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines