Balita

Naningil ng R150 pautang, tinodas

- Alexandria Dennise San Juan at Jun Fabon

Patay ang isang barker makaraang barilin ng kaibigan niyang paulit-ulit niya umanong siningil sa utang nitong P150, sa Barangay Commonweal­th sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay kinilalang si Eddie Villanueva, 50, stay-in sa tricycle terminal sa Riverside Street, Bgy. Commonweal­th, na nagtamo ng ilang tama ng bala sa katawan buhat sa .38 caliber revolver.

Sa imbestigas­yon ng Quezon City Police District-Criminal Investigat­ion and Detection Unit (QCPD-CIDU), dakong 1:30 ng madaling araw at natutulog si Villanueva sa may overpass sa Riverside nang biglang sumulpot ang isang alyas “Sonny” at pinagbabar­il ito.

Ayon sa saksi, nanonood siya ng telebisyon sa terminal nang nakarinig siya ng mga putok ng baril sa lugar.

Mag-uusisa na sana siya sa insidente, ayon sa saksi, nang makita niya umano si Sonny na nagmamadal­ing paalis sa lugar na pinagmulan ng mga putok, habang isinusukso­k umano sa beywang ang isang baril.

Hanggang sa makita niya ang duguan at wala nang buhay na si Villanueva, na kaagad na nasawi sa natamong tama ng bala sa kanang bahagi ng ulo at kanang braso.

Isang bala ng .45 caliber pistol ang natagpuan din sa lugar.

Sinabi naman sa pulisya ng anak ni Villanueva na si Romerick na bago ang insidente ay kinukulit ng biktima si Sonny na bayaran ang P150 utang ng huli.

Dagdag pa ni Romerick, kapwa barker ang kanyang ama at si Sonny at madalas ding magkasama sa inuman.

Pinaghahan­ap na ngayon ng pulisya ang suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines