Balita

Magkaibiga­n kritikal sa tandem

- Orly L. Barcala

Kapwa kritikal ang isang magkaibiga­n makaraang tambangan at pagbabaril­in ng riding-in-tandem sa Caloocan City, nitong Lunes ng gabi.

Ginagamot pa sa ospital sina Nino Freddie Tacal, 32, ng Barangay 174, Camarin, sanhi ng tinamong tama ng bala sa dibdib; at Jose Macal, 31, ng Bgy. 175, Camarin, na nabaril sa dibdib at kaliwang siko.

Ayon sa report, dakong 7:10 ng gabi nang biglang salubungin ng dalawang hindi kilalang lalaki na sakay sa motorsiklo,ang magkaibiga­n na naglalakad sa Magnolia Street sa Bgy. 174.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi batid na direksiyon.

Narekober ng awtoridad sa pinangyari­han ng insidente ang pitong basyo ng bala ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Inaalam ng pulisya kung may kinalaman sa ilegal na droga ang pananamban­g sa mga biktima.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines