Balita

Bodyguard ng mayor wanted sa reporter slay

- Joseph Jubelag

GENERAL SANTOS CITY- Nag lunsad ang pulisya ng malawakang manhunt operations laban sa bodyguard ng isang alkalde sa Sultan Kudarat na isinasangk­ot sa pagpatay sa dating correspond­ent ng Balita sa lalawigan, noong nakaraang taon.

Sinabi ni Sultan Kudarat Police Provincial Office director Senior Supt. Raul Supiter na tinutugis na ngayon ng pulisya si Toto Kalamag, sinasabing security escort ni President Quirino Mayor Azel Mangudadat­u.

Nagpalabas si Regional Trial Court Judge Melanio Guerrero ng arrest warrant laban kay Kalamag kaugnay ng pamamaslan­g kay Leo Diaz, 56, reporter ng lokal na pahayagang Sapol News Bulletin, na binaril sa ulo habang sakay sa kanyang motorsiklo sa national highway sa Barangay Kanawi, President Quirino, noong Agosto 7, 2017.

Sinabi ng pulisya na itinuro umano ng mga saksi si Kalamag na siyang bumaril kay Diaz.

Itinanggi naman ni Mayor Mangu- dadatu na may kinalaman si Kalamag sa krimen, sinabing kasama niya ito nang dumalo siya sa isang official function sa araw na pinatay si Diaz.

Nag-alok pa ang alkalde ng P100,000 pabuya sa sinumang makapagbib­igay ng impormasyo­n sa ikaaaresto ng pumaslang sa mamamahaya­g.

Hiniling naman ng pulisya kay Mangudadat­u na isuko si Kalamag upang mapatunaya­n na wala itong kasalanan sa krimen.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines