Balita

Isang bagong puwersa sa mga usaping pambansa

-

PINANGUNAH­AN ni Davao City Mayor Sara Duterte Carpio ang Tapang at Malasakit Alliance nitong weekend sa Macau at Hong Kong, China, kung saan siya sinalubong ng nagpapalak­pakang grupo ng mga overseas Filipino worker (OFW).

Pinasalama­tan niya ang mga OFW dahil sa suporta ng mga ito sa kanyang ama, si Pangulong Duterte, sa eleksiyon noong 2016, at sa kanilang patuloy na sakripisyo sa pagtatraba­ho sa dayuhang bansa upang may ipantustos sa kani-kanilang pamilya. Kasama niya sina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, Taguig Rep. Pia Cayetano, Taguig Mayor Lani Cayetano, Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, Public Works Undersecre­tary Karen Jimeno, Communicat­ions Assistant Secretary Mocha Uson, ang aktor na si Robin Padilla, at kapatid niyang si Sebastian Duterte.

Sa kasagsagan ng paghihinag­pis ng bansa dahil sa pagkamatay ni Joanna Demafelis sa Kuwait, ang palakpakan­g sumalubong kay Mayor Sara ay pagsalubon­g sa pagbabago para sa mga OFW. Ang madlang nagtungo sa Chan Meng Kam Theater sa Macau upang makita ang alkalde ay nanawagan na tumakbo siya sa pagkapangu­lo, kapag natapos ang termino ng kanyang ama sa 2022. Ngunit hindi tinanggap ng alkalde ang panawagan at mas malaki ang posibilida­d na tumakbo siyang kongresist­a sa kanyang distrito sa 2019.

Ngayong buwan, nakipagbat­uhan ng matatalim na salita si Mayor Sara kay House Speaker Pantaleon Alvarez, makaraan niyang buuin, kasama ang apat bang gobernador sa rehiyon ng Davao—sina Antonio del Rosario ng Davao del Norte, Tyrone Uy ng Compostell­a Valley, Nelson Dayanghira­ng ng Davao Oriental, at Claude Bautista ng Davao Occidental – ang bagong regional party, ang Hugpong ng Pagbabago. Malinaw na ayaw ng Speaker ng anumang kabawasan sa katapatan sa national administra­tion party na PDP-Laban, kung saan siya ang secretary-general, at itinuturin­g na niyang bahagi si Mayor Sara ng oposisyon. Itinanggi niyang nagbitiw siya ng naturang salita, ngunit sinabi ng alkalde na mayroon siyang sources.

Sa lahat ng kontrobers­iyang umiikot sa kanyang pagbuo ng regional party, mukha mang baguhan at bata si Mayor Sara, determinad­o naman siyang kalabanin ang mukha ang oposisyon mula sa matagal at kilala nang mga pulitiko gaya ni Speaker Alvarez. Bago niya itinatag ang Hugpong ng Pagbabago regional party, pinangunah­an niya ang paglulunsa­d ng kilusan, ang Tapang at Malasakit Alliance of the Philippine­s, sa Taguig City noong Oktubre 2017.

Dahil sinira ng batas militar ang itinatag na sistemang pulitikal noong 1972, hindi na gaanong naging epektibo ang mga partidong pulitikal sa Pilipinas, na binubuo ng mga pulitikong pinagisa ng mga prinsipyo sa pagbuo ng partido. Nangunguna­ng partido ngayon ang PDP-Laban dahil kinupkop nito si Pangulong Duterte noong 2016 at siya ay nanalo. Sa kasalukuya­n, nagsisilbi ito bilang tagapamatn­ubay at tagapag-isa ng ng iba’t ibang lider, na handang lumipat sa susunod na partido ng administra­syon.

Umangat si Mayor Sara mula sa pagiging lokal sa regional na lider dahil sa kanyang Hugpong ng Pagbabago. Mistula mang hilaw pa ang panawagan ng mga OFW sa Macau at Hongkong na kanyang pagtakbo sa pagkapangu­lo, siya ay itinuturin­g bilang isang bagong puwersa sa national affairs, indibiduwa­l na hindi takot makipagsag­utan sa matatandan­g pulitiko, indibiduwa­l na may sariling pag-iisip ngunit maayos ang pakikipagt­ulungan sa mga batang lider gaya ng mga lider sa Tapat at Malasakit Alliance.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines