Balita

Naarestong pulis na bilas ni Marwan, iniimbesti­gahan

- Ni MARTIN A. SADONGDONG

Naglunsad ang Philippine National Police ( PNP) ng background investigat­ion sa pulis na naaresto kasama ng misis ng napatay na Malaysian terrorist na si Zulkifli bin Hir, alyas “Marwan”, sa Lanao del Norte.

Sinabi ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa na tinitingna­n nila ang posibleng kaugnayan ni SPO4 Andy Atta sa grupo ng terorista matapos itong madakip kasama si Juromee Dongon, misis ni Marwan, na hinihinala­ng lider ng Jemaah Islamiyah sa Southeast Asia.

Napatay si Marwan ng mga awtoridad sa Mamasapano, Maguindana­o nitong Enero 2015, ang parehong operasyon na nagbuwis ng buhay ang 44 na tauhan ng Special Action Force (SAF).

“We cannot conclude that he’s also a terrorist even if we arrested him with (the wife of) a terrorist. If you’re talking to a terrorist, we cannot say you’re already one. We have to establish solid links through investigat­ion,” sabi ni dela Rosa.

Aniya, si SPO4 Atta, na asawa ni Lorilie Dongon-Atta, kapatid ni Juromee na kasama ring nadakip, ay dating nakatalaga sa Basilan bago nasibak sa serbisyo.

“He might have visited the family because his wife is the sister of (Juromee). We have to look into the family linkages,” ani dela Rosa.

Nadakip ang tatlo sa operasyong pinangunah­an ng Criminal Investigat­ion and Detection Group (CIDG), sa Tubod, Lanao del Norte, nitong Pebrero 25.

Gayunman, paalala ng PNP chief, hindi ito ang unang pagkakatao­n na may pulis na naaresto na kasama ang terorista at inihalimba­wa ang kaso ni Supt. Maria Christina Nobleza.

Sinabi ni dela Rosa na ang misis ni Marwan ay kapatid ni Rener Dongon, hinihinala­ng Abu Sayyaf Group (ASG) bomber na umano’y asawa ni Supt. Nobleza.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines