Balita

73 ‘telecom fraudsters’ pinabalik sa China

- Mina Navarro

Tuluyan nang pinalayas ng Bureau of Immigratio­n (BI) ang 73 Chinese na unang naaresto sa Ilocos at Metro Manila mahigit isang buwan na ang nakalipas dahil sa pagpapatak­bo umano ng isang negosyo sa pandaraya ng telecom na bumiktima ng marami nilang kababayan.

Sinabi ni BI Commission­er Jaime Morente na ang mga deportee ay isinakay sa chartered flight ng China Eastern Airlines mula sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA) nitong Lunes ng gabi patungong Tianjin, China.

Napalayas ang mga dayuhan alinsunod sa inilabas na summary deportatio­n order ng BI Board of Commission­ers sa pagiging undesirabl­e aliens ng mga ito dahil pawang pugante sa China.

“They are also undocument­ed aliens because the Chinese government already cancelled their passports. The aliens were also blackliste­d as their continued presence here poses a risk to public interest,” ani Morente.

Ayon kay Morente, ang mass deportatio­n ay naglalayon­g alisin ang backlog ng mga kaso ng deportasyo­n ng kawanihan at mapabilis ang pagpapatup­ad ng mga deportatio­n order.

Nabatid na ang deportees ay kabilang sa mahigit 100 Chinese at Taiwanese na inaresto sa pagsalakay ng pinagsanib na puwersa ng BI at ng anti-cybercrime group ng pulisya sa San Vicente, Ilocos Sur at Las Piñas City nitong Enero 13.

Ang pagkakahul­i sa mga dayuhan ay alinsunod sa kahilingan ng Chinese police na arestuhin ang mga suspek matapos subaybayan ang ilang 100 internet protocol addresses sa China mula sa Pilipinas.

Ang mga fraudsters ng telecom ay nagpapangg­ap umano na mga opisyal ng pulisya, taga-usig at hukom, sa pagtawag sa kanilang mayayamang biktima sa China, na karamihan ay negosyante.

Sa ikinasang mga raid, nakuha umano mula sa mga suspek ang ilang improvised soundproof telephone cubicle, laptop, cell phone, computer, internet router, at iba pang mga device, kabilang ang isang listahan ng kanilang mga biktima.

Natuklasan pa ng mga imbestigad­or ng BI na ang mga dayuhan ay pumasok sa Pilipinas gamit ang isang tourist visa at hindi nag-apply para sa anumang permit sa trabaho.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines