Balita

SAF member binistay, grabe

- Lyka Manalo

TANAUAN CITY, Batangas - Kritikal sa pagamutan ang isang pulis matapos pagbabaril­in ng hindi nakilalang suspek habang sakay sa kanyang kotse sa Tanauan City, Batangas nitong Lunes.

Ayon kay Batangas Police Provincial Office (BPPO) Director Senior Supt. Alden Delvo, pinagbabar­il si PO1 Rex Allan Leus Paulmitan, miyembro ng Special Action Force (SAF) sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, at residente ng Barangay Sambat sa lungsod.

Dakong 10:45 ng umaga at sakay sa itim na Mitsubishi Lancer (UCA-769) ang biktima para sunduin ang asawa nang pagbabaril­in sa Bgy. Sambat.

Hinarangan umano ng pulang tricycle ang sasakyan ng biktima at pinagbabar­il ito sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kaagad na nakatakas ang suspek patungong Bgy. Trapiche, at pinaghahan­ap na ngayon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines