Balita

Kagawad tiklo sa buy-bust

- Liezle Basa Iñigo

CALASIAO, Pangasinan - Nakorner ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) sa isang buy-bust operation ang isang kagawad ng barangay sa isang beer garden sa Barangay San Miguel, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang akusadong si Jonathan “Jong” Velasco, 41, kagawad ng Bgy. Mancup, Calasiao, Pangasinan.

Dakong 9:45 ng gabi umano nitong Lunes nang magsanib-puwersa ang Calasiao Police at PDEA sa pagsalakay sa La Bonitas Beer Garden.

Nang iniabot sa poseur buyer ang isang sachet na may shabu at P500 cash ay agad inaresto ang kagawad.

Ayon sa impormasyo­n, baguhan lang umano ang suspek sa pagtutulak ng ilegal na droga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines