Balita

Nabuwisit kay misis, bahay sinilaban

- Leandro Alborote

BAMBAN, Tarlac – Sinunog ni mister ang sarili nilang bahay makaraang mag-away sila ng kanyang misis sa Rolling Hills, Barangay San Nicolas, Bamban, Tarlac, kahapon ng umaga.

Sa report ng pulisya, ang nanunog ay si Benjamin Macaraeg, Jr., 35, na umano’y napikon sa pakikipagt­alo sa asawa hanggang sa sunugin ang tinitiraha­ng bahay.

Kaagad namang humingi ng tulong sa kapitbahay ang kanyang misis at naaresto ng pulisya ang suspek.

Pansamanta­lang nakadetine ngayon si Macaraeg sa Bamban Police Station at nahaharap sa kasong arson.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines