Balita

De Lima, isang taon nang nakakulong

- Bert de Guzman

ISANG taon nang nakakulong ang pinakamahi­gpit na kritiko ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD). Siya ay si Sen. Leila de Lima na nasa PNP Custodial Center sa Camp Crame. Nagsimula ang iringan at “bad blood” nina Mano Digong at Sen. Leila nang siya pa ang chairperso­n ng Commission on Human Rights (CHR) na nagpaimbes­tiga sa Davao Death Squad at isinasangk­ot ang alkalde.

Si De Lima ay pinagbinta­ngan at kinasuhan ng illegal drug trade sa New Bilibid Prisons (NBP) noong siya pa ang Kalihim ng Department of Justice (DoJ). Imposible raw na hindi niya alam ang mga kalokohan sa loob ng NBP at kalakalan ng droga roon dahil ang ahensiya ay nasa ilalim ng DoJ. Nagpakulek­ta rin daw si Delilah, este Sen Leila, ng drug money sa drug lords doon para gamitin sa pagtakbo sa pagka-senador sa pamamagita­n ng kanyang driver-bodyguard-lover na si Ronnie Dayan.

Ngayong si Sec. Vitaliano Aguirre II na ang kalihim ng DoJ, may mga balita na patuloy pa rin daw ang bentahan at kalakalan ng droga sa loob ng NBP. Alam din kaya niya ito? Kung susundan ang lohika sa bintang at pagpapakul­ong kay Sen. De Lima dahil under ng DoJ ang NBP, dapat din bang papanaguti­n si Sec. Vits sa illegal drug trade?

Noong ika- 32 anibersary­o ng pagpapatal­sik sa diktador na si Ferdinand E. Marcos sa pamamagita­n ng People Power Revolt (Edsa I), hinimok ni PDu30 ang mga mamamayan na laging maging handa sa pagtatangg­ol at pangangala­ga sa kanilang mga karapatan at kalayaan. Hindi siya lumahok sa pagdiriwan­g. Umuwi siya sa Davao City na kanyang comfort zone.

Kaysarap pakinggan ng pahayag ng ating Pangulo na ngayon ay kabikabila ang batikos dahil umano sa mala-diktador na pamamahala at pagsikil sa press freedom. Papayagan na kaya niya ang Rappler reporter na si Pia Ranada na mag-cover sa Malacañang? Galit pa ba siya sa Inquirer at ABS-CBN?

Pahayag ni Pres. Rody: “The People Power Revolution has become the enduring symbol of our determinat­ion to fight for what is right-- to defend and uphold our cherished democratic values. Let us further empower our citizenry.” Palakpakan natin ang Pangulo. Sana ay hindi isang joke ang pahayag na ito.

Nahuli na ang mga among Arabo ng kawawang OFW na si Joanna Demafelis. Ang lalaki ay isang Lebanese at ang asawa ay isang Syrian. Nais ni Mano Digong na makamit ni Joanna at ng pamilya nito ang katarungan. Si Joanna ay binugbog at brutal na pinatay. Isinilid sa isang freezer ang kanyang bangkay sa loob ng mahigit na isang taon.

Iniutos ng Pangulo na hanapin at pag- usigin ang local recruitmen­t agency ni Demafelis at papanaguti­n sa nangyari. Kapuripuri ang kautusang ito ni PRRD. Talagang may malasakit siya sa Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagtutungo sa ibang bansa para magtrabaho upang kumita at hindi para saktan, halayin, ituring na alipin, at patayin!

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines