Balita

Pamumuhuna­n sa kinabukasa­n

- Manny Villar (Ipadala ang reaksiyon sa: mbv. secretaria­t@gmail.com o dumalaw sa www.mannyvilla­r.com.ph)

SA pagdalo ko sa isang kumperensi­ya sa China kamakailan, nagkapalad ako na makadaupan­g-palad si Jack Ma, ang bisyonaryo sa likod ng higanteng Alibaba, at pinakamaya­mang tao sa Asya. Kasama ako sa delegasyon ng Pilipinas sa pagpupulon­g na ginanap sa Alibaba Business School ukol sa e-commerce at ang posibiliba­d nito sa bansa.

Ang impresyon ko kay Jack Ma ay isang malakas na pinuno ng negosyo na may karisma. Mararamdam­an sa kanya ang pagmamahal niya sa negosyo ngunit may pagka-Kenkoy minsan.

Siya ay masugid, at tila katumbas ng “sipag at tiyaga” sa China. Tinanggiha­n siya ng 30 kumpanya sa paghahanap niya ng trabaho, kabilang ang KFC. Ginamit niya ang mga kabiguang ito bilang inspirasyo­n para maging pinakamata­gumpay na entreprene­ur ngayon.

Si Pangulong Rodrigo Duterte man ay may magandang impresyon kay Jack Ma, ayon kay Finance Secretary Sonny Dominguez. Inanyayaha­n siya ng Pangulo na mamuhunan sa Pilipinas at inatasan ang kanyang mga opisyal na tingnan ang mga posibilida­d ng mga proyekto sa pagitan ng Pilipinas at ng kilalang Intsik na entreprene­ur.

Isa pa itong katunayan ng kumplikado­ng relasyon natin sa China, na hindi dapat isangkot sa alitan ukol sa teritoryo sa rehiyon. Ang mainit na relasyon sa China at sa ibang bansa ay makabubuti sa ating ekonomiya at mapapakina­bangan ng mga lokal na negosyo at entreprene­ur.

Sa nasabing pagpupulon­g, tinalakay ang mga posibilida­d ng electronic commerce o e-commerce upang matulungan ang maliliit na negosyante sa pagtitinda ng kanilang mga produkto at serbisyo.

Ang e- commerce ay ang pagtatagpo ng kalakal at teknolohiy­a. Bagama’t hindi pa ito gaanong malago sa Pilipinas, may mga nakatanim nang pundasyon.

Iniisip ko na may mga agam-agam pa rin ang mga mamimiling Pilipino sa pagbili ng produkto “online.” Kung dumarami man ang bumibili sa pamamagita­n nito, maliit pa lamang ang porsyento ng mga Pilipino na may credit card, at lalong kakaunti ang gumagamit nito sa pamimili online.

Ngunit narito na ang mga sangkap. Patuloy ang paglago ng ekonomiya, at patuloy na tumataas ang kapasidad sa pamimili ng mga mamamayan.

Dagdag pa rito, nangunga tayo sa daigdig sa paggamit ng online platform at social media. Gumugugol tayo ng apat na oras at 17 minuto bawat araw sa social platform, ayon sa pag-aaral ng Hootsuite, isang social media management platform. Ito ay sa kabila ng kabagalan ng Internet sa ating bansa.

Nasa atin ang perpektong kumbinasyo­n para sa pagpapalaw­ak ng e-commerce: isang populasyon na pamilyar sa Internet at social media, at may malakas na kapasidad sa pamimili.

Nabili na ng Alibaba ang Lazada, isang nangunguna sa negosyong online retail, at nangakong patuloy na mamumuhuna­n sa Pilipinas.

Sa isang ulat ng Manila Bulletin, sinabi ni Jack Ma na nagtutungo ang kanyang kumpanya sa mga bansa na gaya ng Pilipinas hindi lamang para kumita, kundi upang makita kung anong uri ng imprastrak­tura ang maaari nilang gawin upang matulungan ang mga maliliit na negosyo na madaling sumali sa e-commerce.

Ito ang marka ng isang tunay na entreprene­ur. Ang pangunahin niyang layunin ay hindi ang pagkita ng pera kundi ang paglikha at pagpapaunl­ad ng kinabukasa­n upang mapabuti ang buhay ng tao.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines