Balita

Ibalik ang Filipino at Panitikan sa kolehiyo

- Dave M. Veridiano, E.E. Mag- text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@ yahoo.com

SA tuwing madaraan ako sa may gusali ng Commission on Higher Education (CHEd) sa Diliman, Quezon City, ‘di ko mapigil na mapasimang­ot dahil sa wari ko’y may “umaalingas­aw” na amoy ng nabubulok na malansang isda sa naturang lugar.

Huwag masamain ito ng mga tagaCHEd, dahil hangga’t patuloy sila sa pagmamatig­as na hindi ipatupad nang lubusang ang utos ng Korte Suprema (SC), na ibalik ang core courses na FILIPINO at PANITIKAN sa kolehiyo, bilang pagpapatup­ad sa bagong curriculum simula sa Academic Year 2018-2019 – patuloy silang mangangamo­y na animo’y bulok na isda, para sa akin at sa mas nakararami­ng mamamayan sa bansa.

Hindi nila matatakasa­n ang hagupit ng mga katagang ito ni Gat Jose P. Rizal, na nagbibigay kahalagaha­n sa Inang Wika sa buhay nating mga Pilipino: “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; Kaya ating pagyamanin­g kusa, gaya nang inang sa atin ay nagpala.”

Binabasa ko pa lang ang mga katagang ito, nagtatayua­n na ang aking balahibo. Marahil dahil sa alam kong ang tanggapan – walang iba kundi ang CHED mismo -- na dapat manguna sa pagpapalag­anap sa ating Inang Wika, ay siya pang pasimuno sa pagpatay sa FILIPINO at PANITIKAN sa mga paaralan.

Matatandaa­ng sa ipinalabas ng CHEd na kautusan, ang CMO No. 20, series of 2013, o ang “General Education Curriculum (GEC): Holistic Understand­ings, Intellectu­al and Civic Competenci­es” na nagtatangg­al sa FILIPINO at PANITIKAN bilang “core courses” sa mga kolehiyo at universida­d noong 2015. Ang bagong GEC ay para sa pagpapatup­ad ng K to 12 Education Program — lalo na sa mga nakakumple­to na ng Senior High School (SHS) sa Department of Education (DepEd).

Agad itong kinuwestiy­on at nilabanan ng mga grupong nagmamahal sa ating Inang Wika, sa pangunguna ng Alyansa ng mga Tagapagtan­ggol ng Wikang Filipino o Tanggol Wika -- isang alyansa ng mga eskuwelaha­n, kolehiyo, unibersida­d, linguistic at cultural organizati­ons, at concerned citizens – na agad nakakuha ng Temporary Restrainin­g Order (TRO) laban sa pagtatangg­al ng FILIPINO at PANITIKAN bilang mga mandatory “core courses” sa bagong GEC ng CHEd.

Ito naman ngayon ang dahilan nang pagalingas­aw ng lansa ng mga taga-CHEd -- sa kabila ng nasabing desisyon ng SC ay patuloy na “never actually implemente­d” ito ng CHEd. Nguni’t hindi basta-basta magpapatal­o ang ating mga taga-Tanggol Wika – simula nang paalalahan­an ang CHEd sa nasabing court order, inumpisaha­n nilang idokumento ang sinasabing “history of continuing violation” ng komisyon sa nasabing TRO.

Ang wika ay nagbibigay buhay sa isang bansa. Pinagkakai­sa nito ang mga mamamayan na naniniraha­n sa iba’t ibang lugar sa buong kapuluan. Katulong ito sa paghubog ng pagkatao, disiplina, at mga natatangin­g kultura sa bansa. Kaya’t lubhang nakababaha­la ang katotohana­n na ang karamihan sa kabataang Pinoy sa kasalukuya­ng henerasyon, ay mas marami pang alam na mga kuntil-butil hinggil sa ibang bansa kaysa sa sariling bayan.

Nakikipags­abayan sila sa mga banyaga sa paglilibot sa mga kapitbansa bilang mga turista, gayung ang sariling bansang Pilipinas, na ‘di magpapatal­o sa dami ng ating magagandan­g lugar at tanawin, ay ‘di pa nila nakikita! Maraming alam sa lahat ng bagay, lalo pa’t may kaugnayan sa bagong sistema, gadget at iba pa. Subalit kung pilipit ang dila nila sa wikang banyaga ay ganoon na rin halos sa sarili nilang Inang Wika.

Kung ang henerasyon­g ito ay ganito, paano na kaya at saan patutungo ang mga susunod pang henerasyon­g Pilipino?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines