Balita

Sunshine Dizon, ‘di nakipagbal­ikan sa ex-husband

- --Nitz Miralles

NAGTATANON­G ang fans ni Sunshine Dizon kung nagkabalik­an na sila ng ex-husband niyang si Timothy Tan. Kasama kasi si Tim sa pictorial nina Sunshine at mga anak na sina Doreen at Antonio para sa 7th birthday ng huli.

Mabuti at may nagpaliwan­ag na hindi nagkabalik­an ang ex-couple, co-parenting lang sila sa kanilang mga anak at makikita naman sa naipost na behind the scene ng pictorial na walang picture na magkasama sina Sunshine at Timothy.

Ang magkasama lang sa pictorial ay sina Sunshine at Doreen, Sunshine at Antonio at Tim at Doreen, at Tim at Antonio.

Sa IG story lang ni Sunshine naka-post ang photos nila at hindi sa regular Instagram (IG) account niya dahil tiyak na may mga magre-react at aakusahan siyang hindi napanindig­an ang pakikipagh­iwalay kay Tim.

Samantala, sa nalalapit na pagtatapos ng Ika- 6 Na

Utos, hindi pa rin mahulaan ng viewers kung paano patatawari­n ni Emma (Sunshine) si Georgia ( Ryza

Cenon) sa mga kasamaang ginawa sa kanila ni Rome ( Gabby Concepcion). Kung paano nito ninakaw sa kanya ang anak na si Milan at pinalaki ni Georgia na anak niya at binigyan ng bagong pangalan.

Nakakatuwa ang ibang viewers. Nagrerekla­mong naha- high blood sila sa panonood sa Ika-6 Na

Utos, pero tuloy pa rin naman sa pagsubayba­y. Ang malinaw pa lang, buo na uli ang pamilya nina Rome, Emma at Sydney. Ang hinihintay ay kung paano tatapusin ang karakter ni Georgia.

 ??  ?? Sunshine, Antonio at Doreen
Sunshine, Antonio at Doreen

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines