Balita

Pelikula nina Paolo at Yam, pangtangga­l ng stress

- Ni REGGEE BONOAN

‘KAALIW ang pelikulang Amnesia Love nina Paolo Ballestero­s at Yam Concepcion mula sa direksiyon ni Albert Langitan produced ng Viva Films at palabas na simula ngayong araw.

Napanood namin sa red carpet screening ang pelikula nitong Lunes sa SM Megamall Cinema 7. As expected, it’s a gay movie dahil si Paolo ang bida bilang sikat na social media influencer. Naaksident­e ang karakter niya bilang si Kimmer Lou na naging Macky nang magka-amnesia at napadpad sa isang isla na walang Internet kaya hindi siya kilala.

Ilang linggo ring tumira sa isla si Kimmer/Macky at napalapit sa lahat ng mga tao roon dahil mabait at nakakatulo­ng naman hanggang sa dumating ang anak ng pamilyang kumupkop sa kanya, si Doray (Yam) na nag-aaral sa Maynila.

Pinagdudah­an ni Doray si Paolo na hindi totoong may amnesia kundi baka kriminal na nagtatago sa isla nila lalo’t magulang pa niya ang kumupkop. Kaya nilasing niya para magtapat, pero wala naman siyang napala dahil hindi nga nito matandaan ang tunay na pagkatao.

Hindi malisyoso ang mga tao sa isla at hindi pinagdudah­ang bading si Macky kahit kitang-kita namang malamya siya at inaayusan ng buhok ang mga bata. Nagturo rin siya ng Zumba pero hindi pa rin siya nahalata at pinagselos­an siya ni

Vandolph Quizon na nanliligaw kay Doray pero hindi magustuhan ng dalaga dahil napakayaba­ng.

Tawa kami nang tawa sa karakter ni Vandolph dahil nakikita namin sa kanya ang Daddy Dolphy niya, parehong-pareho silang umarte na inakala naming mas nakuha nina Eric at Epy. Iba naman ang estilo nina Ronnie at Rolly na parehong seryoso.

Naglasing si Valdolph sa sobrang selos kay Macky at hinamon ang huli ng duelo sa inuman ng tuba. Kung sino ang mananalo, siyang makakapanl­igaw sa dalaga.

Siyempre bida kaya nanalo si Macky kaya naging magkasinta­han sila na ni Yam. Kinunan ni Doray si Macky ng litrato para i-post sa social media pagbalik ng Maynila at nang may makakilala at matulungan­g maalala ang sarili. Hayun, saka niya nalamang bading pala at sikat na stylist at media influencer pero nawawala.

Hindi matanggap ni Doray ang natuklasan kaya kaagad siyang bumalik ng isla at sinabing buntis siya na agad pinaniwala­an ni Macky na ang pagkakaala­m ay may nangyari sa kanila.

Nakita rin sa social media ng tunay na Macky ( Polo Ravales) na boyfriend ni Kimmer Lou ang litrato kaya pumunta ito sa isla. Nagkita-kita silang tatlo roon at nagkagulo na hanggang sa muling nauntog si Macky/Kimmer at naalala na kung sino siya.

Pero ang nakakapagt­aka, naalala rin niya si Doray kaya nagdalawan­g-isip siya kung sino ang sasamahan lalo’t magkakaana­k na sila. Pero inamin ng dalaga na hindi totoong buntis siya, wala ring nangyari sa kanila, at hinahayaan­g bumalik na lang si Macky si Kimmer Lou.

Maganda ang ending dahil ikinasal sina Kimmer at Macky na si Yam pa ang maid of honor at ninang naman ang mga magulang ng dalaga.

Kung gusto ninyong mawala ang stress ninyo at tumawa nang tumawa, bagay itong

Amnesia Love dahil lalabas ka sa sinehan nang nakangiti.

Samantala, pagkatapos ng red carpet screening ay nakausap namin si Paolo at sa eksenang ikinasal sila ay sinabi niyang pabor na pabor siya na sana payagan na sa Pilipinas ang same sex marriage.

Pabor din siya sa divorce para sa hindi na masayang nagsasama pa rin na kailangan nang tapusin na para hindi parehong magsuffer.

Kasama sa Eat Bulaga si Paolo, pero walang Dabarkads na dumalo sa premiere night dahil napuyat daw lahat sa shooting para sa Lenten episode ng programa.

“Okay lang na wala sila, parati naman nilang suot ang Amnesia Love t-shirt, sapat na ‘yun, napapanood naman sa Eat Bulaga. Saka araw-araw nilang pino-promote sa Eat Bulaga. “Umaga na kasi sila natapos sa taping ng Lenten episode ‘tapos may pasok pa kami, kaya naiintindi­han ko na wala sila, lalo na sina Jose (Manalo), Wally (Bayola) at Maine (Mendoza),” paliwanag ni Paolo. Inimbitaha­n ba niya ang kanyang mag-ina sa screening? “Oo, pero hindi puwede kasi may pasok si Bagets. Mapupuyat at Baguio pa sila manggagali­ng. I’m sure naman papanoorin nila itong movie sa Baguio,” say ng aktor. Biro namin kay Paolo, napakaguwa­po niya sa buong pelikula. “Talaga? Hindi maganda?” pabirong balik-tanong sa amin. “Ay, hindi, sobrang guwapo mo, nakakainis ka, ang guwapo mo,” sagot namin na sinangayun­an ng lahat na ikinatawa ng aktor.

 ??  ?? Paolo at Yam
Paolo at Yam

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines