Balita

Kristoffer Martin, natupad ang dream na maging singer

- Ni NORA CALDERON

BATA pa ay mahilig nang kumanta si Kristoffer Martin, kahit aminado siya na hindi naman siya masyadong marunong. Pero dream niyang maging singer kaya sumali siya sa Little Big Superstar.

“Pero hindi po ako pinalad na matapos man lamang ang talent search dahil sa second week, natanggal na ako,” kuwento ni Tun (palayaw niya) sa launching ng kanyang second single na Paulit-ulit sa GMA Records. “Hindi po nawala ang hilig ko sa pagkanta, nag-aral na rin akong tumugtog ng guitar at drums, pero wala akong formal voice lesssons at kung nagku-compose ako ng songs napapansin ko na puro masasakit.”

Sa Piling Mo ang first single ngle ni Tun na naging theme song ng Alyas Robin in Hood na pinagbidah­an ni Dingdong g Dantes. Itong Paulit-ulit ay theme me song naman ng Korean drama na Fight For My Way. Kailan siya gagawa ng album? “Takot po ako sa album, gusto ko munang mag-hit itong second single ko. Siguro po kung makagawa pa ako ng ibang kanta at magustuhan ng GMA. Sa ngayon po, since katatapos ko lang ng Super Ma’am, sa advanced acting workshop muna ako under Anthony Vova. Naghahanap din ako ng magandang location dahil gusto naming magfranchi­se ni Bea ( Binene) ng Potato Corner.” Bakit si Bea ang kasosyo niya? “Kami po kasi talaga ang barkada simula pa noon sa Tween Hearts, kami nina Alden ( Richards) at nadagdag po sa amin si Rodjun ( Cruz). Kahit po kami naba-bash kung minsan kapag magkakasam­a kami, hindi na lang namin pinapansin. Kung minsan mahirap po talaga iyong malaya kaming lumalabas kaya suggestion ni Alden sa amin, kung lalabas kami, huwag na naming i-post, tayu-tayo na lang ang nakakaalam kung anuman o saan man tayo pumupunta. “Nakakaawa rin si Alden dahil lagi na lang siyang naba-bash, pero ang concern pa rin niya, kami, at siya pa ang nagso-sorry kung nasasama kami sa pangba-bash sa kanya. Paminsanmi­nsan lang naman na nakakapag-hiking kami ng bundok, maganda lang kung gusto naming kumain, kung may time ang isa’t isa nagkikita na kami, iyong pagkakaibi­gan na kapag tumawag ka, may makakausap ka.” May non-showbiz girlfriend si Kristoffer, na naging kaklase niya noon sa San Beda College. Huminto muna siya sa pag-aaral at nag-focus sa acting at sa kanyang music. Ang Paulit-ulit ay available for downloadin­g and streaming sa iTunes, Spotify, Amazon at sa iba pang leading digital stores worldwide.

 ??  ?? Kristoffer
Kristoffer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines