Balita

Ryan Seacrest inakusahan ng misconduct

-

INAKUSAHAN nitong Lunes ng isang dating stylist ng American Idol ang host na si Ryan Seacrest ng sexual misconduct, kahit na itinanggi na ni Seacrest alegasyon noon pang Nobyembre. Sinabi ni Suzie Hardy sa Hollywood publicatio­n na Variety na siya ” sexually harassed” ni Seacrest sa loob ng anim na taon, simula noong 2007, nang siya ay maging personal stylist nito sa E! News. Isinapubli­ko ni Seacrest, cohost din ng ABC television’s daytime talk show na Live with Kelly & Ryan at

producer ng Keeping Up

with the Kardashian­s, ang akusasyon ng babae noong Nobyembre, kasabay ng pagtanggi niya rito.

Nagsagawa ng E!, isang unit ng Comcast Corp, ng internal inquiry sa akusasyon ni Hardy ngunit sinabi noong Enero na walang nakitang sapat na ebidensiya para suportahan ang mga akusasyon nito.

Sinabi ng abogado ni Seacrest, si Andrew Baum, nitong Lunes na nakakainis ang desisyon ng Variety na ilathala ang istorya ni Hardy.

Sinabi ni Baum sa pahayag na una rito ay humingi si Hardy ng pera kapalit ng pananahimi­k. “They (Variety) were told that the accuser threatened to make those false claims against him unless he paid her $ 15 million,” aniya.

“At that time, the claimant threatened to issue a demonstrab­ly false press statement unless she was paid. Instead, my client proactivel­y and publicly denied the claims and agreed to fully cooperate with E!’s investigat­ion about the matter.” Hindi kaagad sumagot ang ABC sa hiling na mga komento nitong Lunes. Hindi naman sumagot ang abogado ni Hardy nang kunan ng komento kaugnay sa salaysay sa Variety. Ang panayam ni Hardy sa Variety nitong Lunes ay nagmamarka ng unan pagkakatao­n na siya ay kinilala at nabunyag ang detalye ng kanyang mga akusasyon. Sinabi ni Hardy, nagtapos ang employment noong 2013, na pakiramdam niya ay hindi kumpleto at one-sided ang imbestigas­yon ng E!. Sinabi ng E! sa isang pahayag nitong Lunes na ang imbestigas­yon nito ay “extremely comprehens­ive and thorough” at “any claims that question the legitimacy of this investigat­ion are completely baseless.” Magbabalik ang talent show na American Idol, kasama si Seacrest bilang host, sa telebisyon sa Marso 11 sa Walt Disney Co’s ABC network makaraang magtapos ang 14-taon paglabas nito sa Fox noong 2016. Si Seacrest ang huling celebrity na inakusahan ng sexual misconduct sa eskandalo na yumanig sa Hollywood at iba pang industriya simula Oktubre 2017. “To have my workplace conduct questioned was gut-wrenching. I’ve always aimed to treat all of my colleagues with honesty, respect, kindness and compassion,” isinulat ni Seacrest, 43, sa guest column niya para sa The Hollywood Reporter nitong buwan.

 ??  ?? Ryan
Ryan

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines